Connect with us

News

Mundo, Nabahala sa Pagpabagsak kay Maduro Matapos ang Operasyong Militar ng US!

Published

on

Umani ng matitinding reaksiyon mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang biglaang operasyong militar ng Estados Unidos na nagresulta sa pagkakadakip kay Venezuelan President Nicolas Maduro noong Sabado. Maging mga kaalyado at kalaban ng Washington ay nagpahayag ng pagkabahala sa nangyari.

Ayon kay US President Donald Trump, pamumunuan umano ng Estados Unidos ang Venezuela at gagamitin ang malalaking reserba nito ng langis. Ibinahagi rin niya ang larawan ni Maduro na nakaposas at nakapiring sakay ng isang barkong pandigma ng US. Si Maduro at ang kanyang asawa ay inilipad patungong New York, kung saan haharap sila sa mga kasong may kinalaman sa drug trafficking at illegal weapons.

Dinakip ang mag-asawa ng US special forces sa isang pre-dawn operation na sinabayan ng air strikes sa mga target sa paligid ng Caracas, ang kabisera ng Venezuela. Ang insidenteng ito ay agad na nagbunsod ng pagkondena at pangamba sa international community.

Mariing tinuligsa ng China, Russia, at Iran—mga matagal nang kaalyado ni Maduro—ang operasyon, iginiit na ito ay malinaw na paglabag sa international law at soberanya ng Venezuela. Gayundin ang posisyon ng Mexico, Colombia, Brazil, Cuba, Spain, France, Germany, South Africa, at ng United Nations, na nagbabala sa posibleng destabilization ng rehiyon at masamang precedent sa pandaigdigang kaayusan.

Sinabi ng EU na bagama’t kinikilala nitong kulang sa lehitimasyon si Maduro, dapat pa ring igalang ang international law at hindi idinadaan sa puwersa ang solusyon sa krisis. Ilang bansa naman tulad ng North Macedonia, Albania, at Kosovoang hayagang sumuporta sa aksyon ng US.

May iilang bansa ring pumabor sa operasyon, kabilang ang Italy, sa pangunguna ni Prime Minister Giorgia Meloni, at Israel, na nagsabing kumilos ang US bilang “leader of the free world.” Ang Britain ay nagpahiwatig ng pakikipag-usap sa US, habang sinabing hindi nito ikinalulungkot ang pagbagsak ng rehimen ni Maduro.

Para sa Ukraine, mas binigyang-diin nito ang kawalan ng lehitimasyon ng pamahalaan ni Maduro at ang isyu ng human rights, sa halip na ang legalidad ng aksyon ng US.

Sa kabuuan, ang pagkakadakip kay Maduro ay hindi lamang nagbago ng takbo ng pulitika sa Venezuela, kundi nagbukas din ng mas malalim na debate sa buong mundo tungkol sa soberanya, international law, at paggamit ng puwersang militar—isang pangyayaring patuloy na babantayan ng pandaigdigang komunidad.

News

Atong Ang, Pinaghahanap; 17 Inaresto sa Kaso ng Nawawalang Sabungero!

Published

on

Isinailalim na sa malawakang manhunt si gaming tycoon Charlie “Atong” Ang matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte kaugnay ng pagkawala at umano’y pagpatay sa ilang sabungero. Labimpito (17) sa kanyang mga kasong kasabwat—kabilang ang 10 pulis at 7 sibilyan—ang naaresto, habang nananatiling at large si Ang.

Ayon sa RTC Branch 26 sa Sta. Cruz, Laguna, nahaharap sina Ang at ang iba pa sa non-bailable na mga kaso ng kidnapping with homicide at serious illegal detention, kaugnay ng pagkawala ng apat na sabungero noong Enero 2022. Kinumpirma ng CIDG na lahat ng co-accused ni Ang ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Ipinahayag ng Bureau of Immigration na wala umanong rekord ng paglabas ng bansa si Ang kamakailan, kaya pinaniniwalaang nasa Pilipinas pa rin siya. Samantala, kikilos ang DOJ para sa Hold Departure Order laban sa mga akusado.

Nag-ugat ang kaso sa mga testimonya ng whistleblower na si Julie “Don-Don” Patidongan, na nagsabing si Ang ang umano’y utak sa likod ng pagdukot at pagpatay sa mga sabungero, na ayon sa kanya ay itinapon sa Taal Lake. Mariing itinanggi ito ng kampo ni Ang at kinuwestiyon ang warrant bilang “premature.”

Samantala, sinalubong ng mga pamilya ng mga nawawala ang paglabas ng mga warrant bilang mahalagang hakbang tungo sa hustisya, habang tiniyak ng Malacañang ang mabilis na pagpapatupad ng batas.

Continue Reading

News

Death Penalty Hinihingi Laban kay Ex-Pres. Yoon sa Martial Law Case!

Published

on

Humingi ang special prosecutor ng South Korea ng death penalty laban kay dating Pangulong Yoon Suk Yeol kaugnay ng kanyang bigong deklarasyon ng martial law noong 2024.

Inihain ang kahilingan matapos ang pagtatapos ng paglilitis nitong Martes, at inaasahang ilalabas ng korte ang desisyon sa Pebrero 19. Kinasuhan si Yoon ng pamumuno sa insurrection, isang mabigat na krimen na hindi saklaw ng presidential immunity at may parusang kamatayan.

Ayon sa prosekusyon, idineklara umano ni Yoon ang martial law upang manatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagkontrol sa hudikatura at lehislatura. Mariin naman itong itinanggi ni Yoon, iginiit na ito ay nasa loob ng kanyang kapangyarihang konstitusyonal at layong protektahan ang kalayaan at soberanya ng bansa.

Noong Disyembre 3, 2024, nagpadala ng tropa si Yoon sa National Assembly, ngunit makalipas ang tatlong oras ay ibinasura ng mga mambabatas ang kautusan. Tuluyang inalis ang martial law makalipas ang anim na oras.

Kung sakaling ipatupad, ito ang magiging unang execution sa South Korea sa halos 30 taon, bagama’t itinuturing ng Amnesty International ang bansa bilang “abolitionist in practice” dahil walang naisasagawang bitay mula pa noong 1997.

Continue Reading

News

Tulfo, Panukalang Alisin ang Travel Tax sa Economy Class!

Published

on

Iminungkahi ni Senador Raffy Tulfo ang pagtanggal ng travel tax para sa mga pasaherong naka-economy class, dahil aniya’y dagdag pabigat ito sa karaniwang Pilipinong biyahero.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 88, binigyang-diin ni Tulfo na sapat na ang iba’t ibang buwis na binabayaran ng mga mamamayan tulad ng income at consumption taxes, kaya’t hindi na makatarungan ang paniningil pa ng travel tax sa mga nagtitipid na pasahero.

Nilinaw naman ng senador na hindi tuluyang aalisin ang travel tax. Sa halip, mananatili ito para sa mga pasaherong nasa business class o mas mataas pa, na mas may kakayahang mag-ambag sa pondo ng gobyerno.

Ayon kay Tulfo, magpapatuloy pa rin ang pondo para sa TIEZA, CHED, at NCCA, habang nababawasan ang pasanin sa bulsa ng karaniwang Pilipinong bumiyahe.

Continue Reading

Trending

Copyright © 2024 | Pulse Ph