Connect with us

Entertainment

Mariah Carey, Nagbigay Saya sa mga Fans sa SM Mall of Asia Arena

Published

on

Nagmistulang maagang pamasko para sa mga Pilipinong tagahanga nang magbalik sa entablado si Mariah Carey sa SM Mall of Asia Arena noong Martes para sa kanyang “The Celebration of Mimi Tour.” Sa halos 90 minutong pagtatanghal, inawit ng “Queen of Christmas” ang ilan sa kanyang pinakasikat na kanta tulad ng Hero, Emotions, We Belong Together, at Always Be My Baby, na sabay-sabay namang kinanta ng libu-libong fans. Kahit hindi gaanong madaldal o masigla sa kilos, dama pa rin ng lahat ang nostalgia at saya sa bawat himig na bumabalik sa alaala ng kanilang kabataan.

Mula sa mga glamorosong kasuotang kumikislap hanggang sa kanyang signature whistle tones, ipinakita ng 56-anyos na “Songbird Supreme” ang kanyang walang kupas na karisma. Nagpalit siya ng ilang beses ng costume habang inaalayan ang audience ng mga awitin mula sa iba’t ibang yugto ng kanyang karera — kabilang ang Vision of Love, Fantasy, I’m That Chick, at mga hit mula sa album na The Emancipation of Mimi tulad ng Shake It Off at Say Somethin’. Binigyan din niya ng spotlight ang ilan sa kanyang bagong kanta mula sa Here For It All, kabilang ang Play This Song at Sugar Sweet, na ipinakilala niya sa fans sa tulong ng kanyang musical director na si Daniel Moore.

Bago matapos ang gabi, muling umalingawngaw ang diwa ng Pasko nang kantahin ni Mariah ang iconic na All I Want For Christmas Is You. Kasabay ng mga sayaw ng kanyang backup dancers na may suot na Santa hats, makulay na ilaw, at confetti shower, nagsaya ang buong arena sa isang mala-winter wonderland na pagtatapos. Muling pinatunayan ni Mariah Carey na siya pa rin ang reyna ng mga birit at ng Kapaskuhan, anim na taon matapos ang huling pagtatanghal niya sa Maynila noong 2018.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Entertainment

Jayda Avanzado at Dylan Menor, Nagpakilig sa ‘Project Loki’!

Published

on

Handa nang ipakilala ng Viva One at Cignal Play ang bagong mystery-romance series na “Project Loki,” kung saan tampok sina Jayda Avanzado at Dylan Menor sa pangunguna ng aktor-direktor Xian Lim sa kanyang unang TV directorial project.

Batay sa hit Wattpad story ni AkoSiIbarra, umiikot ang Project Loki sa kwento ni Lorelei Rios (Jayda), isang estudyanteng lumipat sa Clark University at sumali sa QED Club, isang grupo ng mga kabataang naghahantad ng mga lihim at misteryo sa campus. Ang Loki Mendez (Dylan) naman ay ang misteryosong lider ng grupo, na unti-unting nagbabago sa pagdating ni Lorelei.

Kasama rin sa cast sina Marco Gallo bilang Luthor, kapatid ni Loki; Yumi Garcia, Martin Venegas, at ilang fresh faces mula sa Viva at MediaQuest Artists Agency.

Ayon kina Jayda at Dylan, natural at effortless ang kanilang on-screen chemistry. “It just happened organically,” ani Jayda. “Nagka-connect kami agad sa first shoot, nagkuwentuhan lang kami tungkol sa music at sa roles namin.” Dagdag ni Dylan, “Ang gaan niyang katrabaho — from day one, comfortable na kami sa isa’t isa.”

Ibinahagi rin ni Dylan na malaking hamon para sa kanya ang pagganap kay Loki dahil malayo ito sa mga dating karakter niya. “Tahimik at misteryoso si Loki, samantalang ako madaldal at extrovert,” sabi niya. “Pero doon ko hinugot yung introverted side ko para maging totoo sa role.”

Para kay Direk Xian Lim, mahalaga na manatiling tapat ang adaptasyon sa orihinal na materyal. “Hindi namin binago ang essence ng kwento. Ginawa namin ang lahat para bigyan ito ng hustisya,” aniya. Ipinagmamalaki rin niya ang cast na aniya ay “mga bituin sa paggawa.”

Continue Reading

Entertainment

Carla Abellana, Tinawag na “Queen of Call Out”!

Published

on

Hindi ikinaiinis ni Kapuso actress Carla Abellana ang bansag sa kanya ng netizens bilang “Queen of Call Out.” Sa halip, natutuwa raw siya dahil nakikita niyang malikhain ang mga Pilipino sa pagbibigay ng mga palayaw online.

“Natatawa lang ako kasi sobrang creative ng mga Pilipino. Pero sa totoo lang, medyo flattered din ako,” ani Carla sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kilala si Carla sa paggamit ng social media para ipahayag ang kanyang hinaing sa mga isyung panlipunan — gaya ng mga reklamo sa billing discrepancies sa tubig at mahina o palyadong internet service. Para sa kanya, hindi ito tungkol sa pagpasikat kundi sa pagpapahayag ng saloobin ng karaniwang mamamayan.

“Tahimik lang talaga ako, pero kapag ako o ang iba ay apektado, hindi ko mapigilang mag-call out,” paliwanag niya. “Dahil sa frustration, nararamdaman kong oras na para gamitin ko ang boses ko.”

Aminado rin ang aktres na sanay na siya sa negatibong komento o bashers. “Part na ‘yun ng pagiging vocal. Hindi lahat sasang-ayon sa’yo, pero okay lang,” aniya.

Tinukoy din ni Carla ang mga isyung bumabagabag sa kanya, tulad ng korapsyon at maling paggamit ng buwis ng taumbayan. “Bilang taxpayer, nakakagalit makitang nasasayang ang pinaghirapan ng mga Pilipino. Dapat talaga may managot,” diin niya.

Bagama’t minsan na siyang natuksong pumasok sa politika, nilinaw ng aktres na hindi ito para sa kanya. “Nakakatukso, pero may konsensya ako. Ayokong pumasok sa politika para sa maling dahilan,” sabi niya.

Sa huli, ipinagdarasal ni Carla na magkaroon ng pananagutan at hustisya sa mga tiwaling opisyal:

“Ang dasal ko, sana managot ang mga dapat managot.”

Continue Reading

Entertainment

‘Mr. M’, Lilipat sa TV5 Matapos ang Pag-Alis sa GMA!

Published

on

Kumpirmado ang pag-alis ng kilalang star maker na si Johnny Manahan, o mas tanyag bilang “Mr. M,” mula sa GMA Network at nakatakdang lumipat sa TV5 ngayong linggo.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, pipirma si Mr. M ng kontrata sa TV5 sa mga susunod na araw. Si Manahan ay nagsilbi bilang consultant ng GMA Artist Center, na kalaunan ay naging Sparkle GMA Artist Center, kung saan tumulong siyang hubugin ang mga bagong talento ng network.

Sa kasalukuyan, siya na rin ang direktor ng “Vibe,” isang OPM music countdown show sa TV5. Ayon sa kolumnista at TV5 reporter na MJ Marfori, aktibong nakikibahagi si Mr. M sa konsepto, packaging, at pagpili ng mga bagong “Vibe Jocks,” kabilang ang Gen V — mga baguhang personalidad na tinuturing na susunod na henerasyon ng TV5 talents.

Dagdag pa ng ulat, posible ring italaga si Mr. M sa pamamahala ng mga talento ng MediaQuest, ang kumpanya sa likod ng TV5.

Continue Reading

Trending

Copyright © 2024 | Pulse Ph