Connect with us

Metro

Sarah Discaya, Inaresto Na!

Published

on

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si super contractor Sarah Discaya noong Disyembre 18 kaugnay ng umano’y P96.5-milyong ghost flood control project sa Davao Occidental.

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naisilbi na ang warrant of arrest laban kay Discaya at siyam pang indibidwal, na nahaharap sa mga kasong graft at malversation—mga kasong hindi piyansable. Si Discaya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI at sumasailalim sa standard arrest procedures.

Ayon pa sa pangulo, walo pang opisyal ng DPWH ang nagpahayag ng intensyong sumuko kaugnay ng kaso. Wala pang inilalabas na detalye ang mga awtoridad sa iba pang akusado at iskedyul ng pagsuko.

Nauna nang iginiit ng administrasyon na may mga pag-aresto bago mag-Pasko bilang bahagi ng kampanya laban sa korapsyon sa mga pekeng at substandard na proyekto.

Metro

Tulfo sinita ang DOT ads na umano’y naka-sentro kay Sec. Frasco

Published

on

Pinuna ni Sen. Raffy Tulfo si Tourism Secretary Christina Frasco dahil umano sa labis na paglitaw ng kanyang mukha sa ilang tourism promotion materials ng Department of Tourism (DOT).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Tourism, ipinakita ni Tulfo ang mga magasin at materyales—kabilang ang isang inilabas sa Japan—kung saan kapansin-pansing si Frasco ang bida imbes na ang mga destinasyon, pagkain, at kulturang Pilipino. Aniya, “missed opportunity” ito para maipromote ang turismo ng bansa sa abroad.

Giit ni Tulfo, hindi dapat personalidad ang sentro ng marketing. “Hindi mabebenta kung puro mukha ng opisyal ang laman,” dagdag niya, sabay banggit na sa ibang bansa tulad ng Vietnam, Korea, Malaysia, at Japan, hindi inilalantad ang tourism secretaries sa ads.

Tumugon si Frasco na wala siyang pahintulot sa paggamit ng kanyang larawan at walang pondong gobyerno ang ginamit. Ayon sa kanya, kinuha lamang ang mga litrato mula sa coverage ng events at wala umanong interview na isinagawa. Nilinaw rin niyang wala siyang balak tumakbo sa 2028 kaya’t walang dahilan para sa self-promotion.

Iginiit naman ni Tulfo na hindi niya inaakusahan si Frasco ng pagtakbo sa eleksyon—ang punto niya, ayon sa kanya, ay kapansin-pansin umano ang anyo ng self-promotion at dapat ituon ng DOT ang promosyon sa turismo mismo, hindi sa mga opisyal.

Continue Reading

Metro

Marcoleta at Pangilinan nagbanggaan sa saklaw ng West Philippine Sea!

Published

on

Nagkaroon ng mainit na palitan sina Sen. Francis Pangilinan at Sen. Rodante Marcoleta hinggil sa eksaktong saklaw at koordinado ng bahagi ng West Philippine Sea (WPS) na sakop ng soberanong karapatan ng Pilipinas.

Sa deliberasyon ng Senate Resolution No. 256, iginiit ni Pangilinan na batay sa datos ng Philippine team sa International Arbitral Tribunal (IAT), may karapatan ang bansa sa humigit-kumulang 500,000 square kilometers ng South China Sea, alinsunod sa 200-nautical mile Exclusive Economic Zone (EEZ) at sa 2016 arbitral ruling na nagbasura sa 9-dash line ng China.

Tutol naman si Marcoleta, na nagsabing nasa 381,000 square kilometers lamang ang WPS ayon sa National Security Council, at kinuwestiyon ang kawalan umano ng tiyak na metes and bounds o eksaktong koordinado ng WPS. Aniya, hindi malinaw kung sapat ang mga umiiral na batas para tukuyin ang buong saklaw, lalo na ang ilang bahagi ng Kalayaan Island Group na lampas sa 200 nautical miles.

Pinanindigan ni Pangilinan na pinal na ang arbitral ruling at hindi na dapat kuwestiyunin ang hurisdiksiyon ng Pilipinas. Sagot ni Marcoleta, bagama’t invalid ang 9-dash line, hindi raw tinukoy ng ruling kung saan eksaktong nagtatapos ang WPS.

Sa gitna ng diskusyon, iminungkahi ni Majority Leader Miguel Zubiri na balikan ang mga umiiral na batas tulad ng RA 9522 at RA 12064. Gayunman, nanatiling hindi kumbinsido si Marcoleta, na iginiit na may mga isla at features na hindi umano saklaw ng malinaw na depinisyon.

Continue Reading

Metro

LPG presyo, muling tumaas simula Pebrero 1

Published

on

Muling tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Pebrero 1, matapos magpatupad ng price hike ang mga kumpanyang Petron at Solane.

Nagtaas ang Petron ng ₱1.50 kada kilo, na epektibo alas-12:01 ng madaling araw ng Linggo. Samantala, ipinatupad ng Solane ang ₱1.55 kada kilo na dagdag-presyo bandang alas-6 ng umaga.

Ayon sa mga ulat, ang pagtaas ay alinsunod sa adjustment ng international LPG contract prices para sa buwan ng Pebrero.

Noong Enero, kapwa nagtaas din ng ₱2.18 kada kilo ang Petron at Solane, dahilan upang patuloy na maramdaman ng mga konsyumer ang pagbigat ng gastusin sa pang-araw-araw na lutuan.

Continue Reading

Trending

Copyright © 2024 | Pulse Ph