Site icon PULSE PH

‘Quiet Assassin’ Rybakina, tumitira na sa World No. 1

Pinatunayan ni Elena Rybakina na hindi kailangang maingay para maging mabagsik matapos niyang masungkit ang Australian Open title at pabagsakin ang dalawang top-ranked players sa mundo.

Tinalo ng 26-anyos na Kazakh ang No. 1 seed na si Aryna Sabalenka sa isang dikdikang final, 6-4, 4-6, 6-4, para makuha ang kanyang ikalawang Grand Slam—mahigit tatlong taon matapos ang Wimbledon triumph.

Kahit nahuli sa huling set, nanatiling kalmado si Rybakina at bumawi upang selyuhan ang panalo. Inamin niyang may halong matinding ginhawa ang kanyang tahimik na selebrasyon.

Mas lalo pang pinatibay ang kanyang dominasyon nang talunin din niya si Iga Swiatek sa quarterfinals at maitala ang 20 panalo sa huling 21 laban. Dahil dito, tinawag siya ng Australian media na “quiet assassin.”

Babalik si Rybakina sa World No. 3 at malinaw na nasa radar na niya ang World No. 1 ranking—kasabay ng hangaring magdagdag pa ng Grand Slam titles ngayong taon. 

Exit mobile version