Maghahari ang matinding init sa maraming lugar sa bansa sa Lunes Santo, Abril 14, 2025, ayon sa PAGASA. Sa forecast ng ahensya, asahan ang “danger” heat index level sa Pasay City at iba pang 24 na lugar, na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.
Ayon sa PAGASA, maaaring umabot sa 44°C ang heat index sa Pasay, na isa sa pinakamataas na forecasted sa bansa. Ang heat index ay ang temperatura ng pakiramdam kapag isinama ang humidity at init ng hangin. Kapag ang heat index ay nasa pagitan ng 42°C at 51°C, itinuturing itong “danger” level, na maaaring magdulot ng heat cramps, exhaustion, at higit pang panganib ng heat stroke sa mga apektadong lugar.
Narito ang mga lugar na inaasahang makakaranas ng “danger” heat index sa Lunes Santo:
National Capital Region (NCR)
Region I (Ilocos Region)
- Dagupan City, Pangasinan (43°C)
Region II (Cagayan Valley)
- Tuguegarao City, Cagayan (43°C)
- ISU Echague, Isabela (44°C)
Region III (Central Luzon)
- Baler, Aurora (42°C)
- Iba, Zambales (42°C)
- CLSU Muñoz, Nueva Ecija (42°C)
- Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City (43°C)
- San Ildefonso, Bulacan (43°C)
- TAU Camiling, Tarlac (42°C)
- Hacienda Luisita, Tarlac (42°C)
Region IV-A (CALABARZON)
- Sangley Point, Cavite City (44°C)
- Ambulong, Tanauan, Batangas (43°C)
Region IV-B (MIMAROPA)
- San Jose, Occidental Mindoro (43°C)
- Puerto Princesa City, Palawan (42°C)
- Cuyo, Palawan (42°C)
Region V (Bicol)
- Virac (Synop), Catanduanes (42°C)
Region VI (Western Visayas)
- Iloilo City (42°C)
- Dumangas, Iloilo (43°C)
Negros Island Region
- La Granja, La Carlota, Negros Occidental (43°C)
Region VIII (Eastern Visayas)
- Catarman, Northern Samar (42°C)
Region IX (Zamboanga Peninsula)
- Dipolog, Zamboanga del Norte (43°C)
- Zamboanga City, Zamboanga Del Sur (42°C)
Region XII (SOCCSKSARGEN)
- General Santos City, South Cotabato (42°C)
Region XIII (Caraga)
- Butuan City, Agusan Del Norte (42°C)
PAGASA nagbigay ng babala na ang mga lugar na ito ay posibleng makaranas ng matinding init na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan, kaya’t pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at umiwas sa matagal na exposure sa araw.