Site icon PULSE PH

Pacman, nasa LA para sa Big Reveal ng Comeback sa Ring!

Balik-ring na si Manny “Pacman” Pacquiao! Sa edad na 46, muling sasalang ang Pambansang Kamao sa pro boxing, apat na taon matapos ang kanyang huling laban.

Dumating siya sa Los Angeles kasama ang kanyang pamilya at entourage para sa isang press conference ngayong linggo kung saan opisyal niyang iaanunsyo ang laban kontra sa reigning WBC welterweight champion na si Mario Barrios.

Matatandaang huling lumaban si Pacquiao noong Agosto 2021 laban kay Yordenis Ugas ng Cuba, kung saan siya natalo via unanimous decision. Mula noon, nagtuloy-tuloy siya sa ilang exhibition matches—laban kay Korean vlogger DK Yoo (2022) at Japanese kickboxer Rukiya Anpo (2025). Pero ngayon, balik sa pro fight si Pacman!

Ang kanyang magiging ika-73 na laban ay sa isang mas batang kalaban: si Barrios (30 y/o, 5’9”), na may record na 29 panalo, 2 talo, at 18 knockouts. May lamang ito sa edad, tangkad, at aktibong karera.

Pero hindi nagpahuli si Pacquiao. Viral sa social media ang videos niyang nagbubuhos ng pawis sa training — hitting mitts at bags, handang-handa para sa labang inaabangang mangyayari sa Hulyo sa Las Vegas.

Ayon kay Buboy Fernandez, kaibigan at trainer ni Pacquiao, “We can train hard for this fight. Very important fight.”

Pinayagan na rin ng WBC ang kanyang comeback, at inilagay pa siya sa Top 5 contender para sa titulo ni Barrios.

Usap-usapan din ang posibleng reunion nila ni Freddie Roach sa Wild Card Gym, pero wala pa itong kumpirmasyon.

Isang bagay ang malinaw: handa na si Pacman para sa isang matinding pagbabalik!

Exit mobile version