Connect with us

Sports

NU Lady Bulldogs, Pasok sa SSL Finals!

Published

on

Walang patid ang dominasyon ng National University (NU) Lady Bulldogs matapos talunin ang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws, 25-20, 27-25, 25-21, sa 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup semifinals sa Ninoy Aquino Stadium.

Sa panalong ito, nakapasok ang defending champions sa ika-apat na sunod na finals appearance, at dalawang panalo na lang sila mula sa inaasam na four-peat title.

Bagaman may twice-to-beat advantage, kinailangan ng NU na ipakita ang kanilang tibay lalo na sa second set, kung saan nailigtas nila ang apat na set points bago tuluyang nakuha ang panalo.

Pinangunahan ni team captain Vange Alinsug ang Lady Bulldogs na nagtala ng 11 puntos (9 attacks, 2 blocks) kasama ang 5 digs at 5 excellent receptions. Nag-ambag din si Celine Marsh ng 9 puntos, habang sina Chams Maaya at Josline Salazar ay may tig-8 puntos.

Ito na ang walong sunod na panalo ng NU sa torneo na suportado nina Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, at R&B Milk Tea.

Makakatapat ng NU sa best-of-three finals ang mananalo sa pagitan ng University of Santo Tomas (UST) at Adamson University sa simula ng championship series sa Nobyembre 8 sa Rizal Memorial Coliseum.

Samantala, ipinakilala rin ang Adamson standout na si Shaina Nitura bilang bagong SSL Ambassador, kapalit ng dating NU star at Alas Pilipinas player na si Bella Belen.

Sports

Alas Pilipinas, Pinatumba ang Iran sa Dominadong Laban!

Published

on

Walang kupas ang Alas Pilipinas Women’s Volleyball Team matapos tambakan ang kanilang mga kalaban mula sa Iran sa isang dikit ngunit dominadong laban.

Pinangunahan ng matitinding spikes at matatag na depensa ng Alas girls ang laro, na nagbigay sa kanila ng isa na namang panalo sa kanilang kampanya sa international tournament.

Muling ipinakita ng koponan ang kanilang lakas at pagkakaisa, patunay na handa silang makipagsabayan sa mga mas malalakas na bansa sa volleyball scene.

Continue Reading

Sports

Alex Eala, Pasok na sa WTA Top 50 — Unang Filipina na Nakamit ang Milestone!

Published

on

Isang makasaysayang tagumpay para sa Philippine tennis ang naitala ni Alex Eala matapos siyang pumasok sa Top 50 ng Women’s Tennis Association (WTA) — ang unang Filipina na nakagawa nito.

Sa pagtatapos ng WTA season, pumwesto si Eala sa No. 50 matapos makalikom ng 1,143 ranking points, bunga ng kanyang matagumpay na kampanya sa iba’t ibang lungsod sa Asia. Huling nilaro ng 20-anyos na tennis star ang Hong Kong Open, kung saan umabot siya sa Round of 16 at nagdagdag ng 12 puntos para tuluyang makapasok sa prestihiyosong listahan.

Kabilang sa mga highlight ng kanyang taon ang unang WTA title na napanalunan niya sa Guadalajara Open sa Mexico noong Setyembre. Ayon kay Eala, bawat laban ay naging espesyal sa kanya — mula sa hamon sa court hanggang sa suporta ng mga fans.

Susunod na sasabak si Eala sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand bilang bahagi ng pambansang koponan, dala ang karangalang maging isa sa pinakamahusay sa mundo.

Continue Reading

Sports

Matapang na Laban ng Alas Pilipinas U16 Kontra Japan, Nagpasiklab sa Asian Championship Debut

Published

on

Matapang na ipinakita ng Alas Pilipinas girls U16 team ang kanilang galing sa kabila ng pagkatalo sa defending champion Japan, 17-25, 25-21, 16-25, 20-25, sa pagbubukas ng 2nd AVC Asian Women’s U16 Volleyball Championship noong Sabado sa Princess Sumaya Hall sa Amman, Jordan.

Bumida sina Xyz Rayco at Nadeth Herbon sa unang salang ng koponan sa kontinente, na agad umani ng suporta mula sa mga overseas Filipino workers. Sa pangunguna ng dalawa, umangat ang Pilipinas sa ikalawang set kung saan kapwa sila nagtala ng siyam na puntos upang maitabla ang laban sa 1-1.

Nakalamang pa ang Alas sa ikaapat na set, 12-9, matapos ang service ace ni Madele Gale, ngunit mabilis na bumawi ang Japan sa pamamagitan nina Ren Sugimoto, Miko Takahashi, at Rina Hayasaka. Dalawang sunod na atake ni Hayasaka ang nagselyo ng panalo para sa mga Hapon sa kanilang unang laro sa Pool B.

Continue Reading

Trending

Copyright © 2024 | Pulse Ph