Connect with us

Entertainment

Mariah Carey, Opisyal Nang Binuksan ang Pasko sa Pilipinas!

Published

on

Walang mas maagang Pasko kaysa sa Pilipinas — at mismong Mariah Carey, ang “Queen of Christmas,” ang nagbasbas nito!

Noong Oktubre 14, nagmistulang holiday party ang Mall of Asia Arena nang kantahin ni Mariah ang iconic hit na “All I Want for Christmas Is You” bilang finale ng kanyang Celebration of Mimi concert sa Manila. Halos 90 minuto ng nostalgia at powerhouse vocals ang ibinigay ng diva, na labis na ikinatuwa ng mga Pinoy fans na tinawag niyang “lambs.”

Kilalang maingat si Mariah sa kung kailan niya sinisimulan ang Christmas season, pero dahil espesyal ang mga Pilipino, binigyan niya tayo ng “exception” — tanda ng pagkilala sa maagang simula ng Ber months sa bansa.

Bukod sa Christmas anthem, inawit din ni Mariah ang mga paboritong classics tulad ng “Emotions,” “Always Be My Baby,” “Hero,” “We Belong Together,” at “Touch My Body.” Pinasaya rin niya ang hardcore fans sa mga bihirang kantahin gaya ng “Can’t Let Go” at “Without You.”

Naka-Michael Cinco gown si Mariah sa isa sa mga segment, na nagpasigla pa lalo sa Pinoy crowd na bumuhos ng pagmamahal at sigawan habang binabaha ng puting confetti ang buong arena.

Sa pagtatapos ng gabi, isang bagay ang malinaw — opisyal nang simula ng Pasko sa Pilipinas, at si Mariah Carey mismo ang nagpatunog ng kampana.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Entertainment

Andi Manzano, Emosyonal sa Pagsasara ng MTV: “Malaking Parte ng Buhay ko ‘Yon”!

Published

on

Hindi napigilan ni Andi Manzano ang maging emosyonal nang mabalitaan ang pag-shutdown ng ilang MTV channels matapos ang mahigit apat na dekada.

Sa isang Instagram post, inalala ni Andi ang mga panahong naging MTV video jockey (VJ) siya—isang karanasang tinawag niyang “malaking parte ng buhay ko.”

Naikwento ng dating VJ na kabado siya noong sumali sa MTV VJ Hunt noong 2007, kung saan siya napili kasama si Kat Alano. “’Yung first day ko hosting the Top 10 countdown, nanginginig ako sa kaba. Fifteen pages ‘yung kailangan naming i-memorize at i-adlib, inabot ako ng dalawang oras matapos,” ani Andi.

Dagdag pa niya, sa MTV niya natutunan ang maraming bagay at naranasan ang mga hindi niya inakalang mararanasan — tulad ng pagho-host sa malalaking crowd, pagkilala sa iba’t ibang artists, at pagiging bahagi ng kulturang humubog sa isang henerasyon. “Pero higit sa lahat, hindi ko makakalimutan ang mga taong nakasama ko sa likod ng camera,” ani Andi.

Nagkomento rin si Anne Curtis, na minsang naging MTV host, at sinabing, “We were babies. I remember being so nervous and excited about being an MTV VJ.”

Kabilang sa iba pang kilalang MTV VJs sa Pilipinas sina Donita Rose, G Töengi, Cindy Kurleto, Belinda Panelo, at Marc Abaya.

Ayon sa ulat ng BBC, isasara ng MTV ang limang channels—MTV Music, MTV 80s, MTV 90s, Club MTV, at MTV Live—sa pagtatapos ng taon. Mananatiling bukas ang MTV HD, ngunit magpo-focus na ito sa mga reality shows.

Ang hakbang na ito ay bunga ng pagbabago sa viewing habits ng mga manonood, na ngayon ay mas madalas nang nanonood ng content sa streaming platforms at social media kaysa sa tradisyunal na TV.

Sa Pilipinas, tuluyan nang nagpaalam ang MTV noong Disyembre 2018 matapos ang ilang tangkang pagbabalik.

Continue Reading

Entertainment

Daniel Padilla, Umiiwas sa Chismis sa Isyu kay Kaila Estrada!

Published

on

Mukhang ayaw ni Daniel Padilla na bigyan ng showbiz kulay ang mga bali-balitang may namamagitan sa kanila ng kanyang “Incognito” co-star na si Kaila Estrada.

Sa isang episode ng “Are You G?” ng The Filipino Channel na kinunan sa Korea, tinanong ni host MJ Felipe ang aktor kung may espesyal na babae na bang nagpapasaya sa kanya ngayon.

Ngumiti muna si Daniel at pabirong sagot: “Kain muna tayo,” bago nagbigay ng mas seryosong pahayag.
“Huwag nating i-pressure mga sarili natin, huwag na nating ilagay sa ganun, i-showbiz pa ’yun,” ani Daniel. “Lalabas at lalabas ’yan, pero ayoko lang na may naghihintay na… hayaan na nating mangyari ang mangyayari.”

Paliwanag pa ng aktor, natural na mapag-usapan ang personal na buhay ng mga artista, pero may karapatan pa rin silang pumili kung kailan at paano ito haharapin sa publiko.

Nang tanungin naman kung masaya siya, mabilis ang sagot ni Daniel:
“Paano ako hindi magiging masaya? Galing kami sa isang masayang concert, andito ako sa Korea with my family and friends, celebrating life, and I just received an award from people who love me. So anong rason para maging malungkot?”

Matatandaang kamakailan lang ay ibinunyag ni Ogie Diaz na magkarelasyon umano sina Daniel at Kaila. Gayunman, tila mas pinipili ni Daniel ngayon ang katahimikan at iwas sa showbiz intriga — isang hakbang na marami ang humahanga dahil ipinapakita niyang may mga bagay na mas maganda kung pribado na lang.

Continue Reading

Entertainment

TWICE, Gumawa ng Kasaysayan sa Victoria’s Secret Fashion Show 2025!

Published

on

Nagningning sina Nayeon, Jihyo, Tzuyu, at Momo ng TWICE sa Victoria’s Secret Fashion Show 2025 sa New York City, kung saan sila ang unang K-pop girl group na nagtanghal sa prestihiyosong event.

Dumalo ang apat na miyembro sa pink carpet bago ang kanilang live performance, suot ang elegante nilang black-and-white outfits. Umagaw ng pansin si Tzuyu sa kanyang white cutout gown, habang nagsuot ng magkakaibang estilo ng itim sina Nayeon, Jihyo, at Momo — mula sa cutout dress hanggang sa chic lace at tailored suit.

Ayon kay Jihyo, hindi nakadalo ang ibang miyembro ng grupo ngunit umaasa siyang magugustuhan pa rin ng fans ang kanilang espesyal na apat-kataong performance.

Kasama ng TWICE sa lineup ng mga performer sina Karol G, Madison Beer, at Missy Elliott. Ang event ay bahagi ng muling pagbangon ng Victoria’s Secret show, na nagbalik noong nakaraang taon.

Ang pagtatanghal ng TWICE ay dumating din sa gitna ng kanilang This Is For World Tour, na magpapatuloy sa 2026 sa North America at Europe.

Continue Reading

Trending

Copyright © 2024 | Pulse Ph