PULSE PH

Lisa, gagawa ng kasaysayan sa kaniyang Las Vegas residency!

Isang malaking hakbang ang muling gagawin ng pandaigdigang K-pop star na si Lisa mula sa grupong Blackpink matapos niyang ianunsyo ang kaniyang kauna-unahang concert residency sa Las Vegas. Dahil sa balitang ito, siya ang kauna-unahang K-pop artist na magkakaroon ng sariling serye ng mga pagtatanghal sa kilalang entertainment capital ng mundo.

Gaganapin ang serye ng mga concert sa Voltaire sa loob ng The Venetian Resort simula ngayong darating na Mayo. Ang Voltaire ay kilala bilang isang intimate venue na nagbibigay ng espesyal at malapit na karanasan para sa mga manonood kaya naman labis itong inaabangan ng kaniyang mga tagahanga sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang proyektong ito ay bahagi ng lumalawak na solo career ni Lisa sa ilalim ng kaniyang sariling label na LLOUD Co. at pakikipagtulungan sa RCA Records. Inaasahang magpapakitang-gilas ang idolo sa kaniyang husay sa pagsayaw at pagkanta na nagpatunay sa kaniyang estado bilang isang tunay na global icon sa larangan ng musika.

Exit mobile version