Inanunsyo ng biotech company na Colossal Biosciences na matagumpay nilang nirevive ang dire wolf, ang mala-lobong hayop na sumikat sa Game of Thrones. Ginamit nila ang DNA mula sa dalawang fossil — isang ngipin na 13,000 taon na at isang bungo na 72,000 taon na — na pinagsama sa genetic code ng gray wolf gamit ang CRISPR gene-editing tech.
Tatlong puting dire wolf pups ang ipinanganak, kapansin-pansing kahawig ni Ghost, alaga ni Jon Snow sa GoT. Pinangalanan ang dalawang lalaking lobo na Romulus at Remus, mula sa alamat ng pagkakatatag ng Rome, habang ang babaeng tuta ay tinawag na Khaleesi, inspired ulit sa GoT.
Ayon kay Colossal CEO Ben Lamm, ang proyekto ay parang “magic na gawa ng science.” Lahat ng tatlong lobo ay nasa isang secret 2,000-acre sanctuary na aprubado ng American Humane Society. Inaasahang lalaki sila hanggang 60kg — mas magaan sa karaniwang gray wolf.
Si Game of Thrones creator George R.R. Martin mismo ay kasali sa proyekto bilang cultural adviser at investor. Na-meet na raw niya sina Romulus at Remus sa preserve. “Akala ng iba, fantasy lang ang dire wolves. Pero bahagi sila ng tunay na kasaysayan ng kalikasan sa Amerika,” aniya.
Bonus twist: Lord of the Rings director Peter Jackson din ay involved! Siya pala ang nakabili ng Iron Throne prop sa halagang $1.49M (₱85.5M) at ipinahiram ito sa Colossal para sa photo shoot ng mga dire wolves. Epic.
Hindi lang dire wolves ang nasa plano ng Colossal — kasunod na raw ang woolly mammoth, Tasmanian tiger, at dodo bird. Parang Jurassic Park, pero real life.