Site icon PULSE PH

Colombian Ace, Pinaluhod ang Pinay Tennis Star!

Kinapos ang homecoming campaign ni Alex Eala matapos yumuko sa Colombian ace na si Camila Osorio sa quarterfinals ng WTA125 Philippine Women’s Open kagabi sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sa straight sets na 6-4, 6-4, pinatahimik ni Osorio (WTA No. 84) ang home crowd at tinuldukan ang pag-asa ng Pilipinas sa torneyo.

Steady sa Clutch Kahit todo-suporta ang mga Pinoy fans, naging mas matatag si Osorio sa mga crucial moments ng laro. Bilib naman ang Colombian player sa energy ng mga manonood kahit pa kalaban siya ng crowd favorite.

“I loved the energy… You are all passionate and at the end of the day, I was just trying to do my thing,” sabi ni Osorio.

‘Sayang, pero happy’ Para naman kay Eala, mission accomplished pa rin siya sa mas malaking goal—ang madala ang world-class tennis sa bansa.

“Sayang, hindi pumasa sa level pero ang importante, nandito ako sa Manila, sa Pilipinas at nandito ang WTA,” mensahe ni Eala.

Hindi naman matatengga ang Pinay tennis sensation dahil lilipad agad siya pa-Middle East bilang wildcard sa WTA500 Abu Dhabi next week.

Ang Final Four Cast Dahil sa panalo, pasok sa semis si Osorio at makakaharap niya si Solana Sierra ng Argentina.

Sa kabilang bracket, bakbakan naman sina crowd darling Donna Vekic ng Croatia at ang unseeded na si Tatiana Prozorova ng Russia (na tumalo sa No. 1 seed) para sa pwesto sa finals.

Exit mobile version