PULSE PH

Catriona Gray, Isiniwalat ang Dahilan ng Hiwalayan Nila ni Sam Milby!

Unang beses na nagsalita si Catriona Gray tungkol sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng dating kasintahang si Sam Milby.

Sa panayam kay Karen Davila, ibinahagi ni Catriona na matapos ang proposal at kanilang engagement noong 2023, napagtanto umano ni Sam na hindi pa siya handang pumasok sa mas malalim na antas ng commitment. Ayon sa beauty queen, labis siyang nasaktan at nabigla sa naging pagbabago ng desisyon.

Sinabi niyang ginawa niya ang lahat upang ayusin ang relasyon at naging handa siyang umunawa dahil sa pagmamahal. Ngunit kalaunan, napagtanto niyang kung hindi pa rin sigurado ang isang tao sa puntong iyon ng kanilang buhay at pinagsamahan, malinaw na rin ang sagot.

Pinili umano ni Catriona ang sarili matapos ibigay ang lahat sa relasyon. Giit niya, nais niyang magpakasal at magkaroon ng pamilya balang araw kaya mahalaga sa kanya ang partner na sigurado at kapareho ng kanyang mga plano sa hinaharap.

Noong Pebrero 2025, kinumpirma ni Sam na hindi na sila magkasintahan matapos ang tatlong taong relasyon.

Exit mobile version