Connect with us

Entertainment

BTS’ Jin Sasabak sa Kakaibang Adventure!

Published

on

Ang Korean singer na si Jin ng BTS ay makikita sa bagong Netflix reality series na “Kian’s Bizarre B&B” na pinangungunahan ng entertainer na si Kim Hee-min, kilala rin bilang Kian84.

Ilang Korean media outlets ang nagbalita tungkol sa paglahok ni Jin sa show hanggang sa opisyal itong kinumpirma ng Netflix sa kanilang Korean content accounts sa social media.

Makakasama rin ni Jin sa “Kian’s Bizarre B&B” ang aktres na si Ji Ye-eun, na kilala sa kanyang pag-appear sa “Running Man” at “SNL Korea.”

“Kilalanin ang aming dalawang magagandang empleyado!” pabirong anunsyo ng Netflix. “Kapag sina Jin at Ji Ye-eun ang nagse-serve sa iyo, talagang kakaibang B&B ito.”

Ang show na ididirek ni Jung Hyo-min ay magpapakita kay Kian84 na nagpapatakbo ng isang kakaibang guesthouse sa Ulleungdo Island.

Ang “Kian’s Bizarre B&B,” na kasalukuyang nagso-shoot, ay mapapanood na sa Netflix sa susunod na taon.

Si Jin, na siyang pinakamatanda sa BTS, ang unang miyembro ng grupo na nakatapos ng mandatory military service ng Korea. Si J-Hope naman ay nakatakdang matapos sa Oktubre. Ang iba pang miyembro na sina Jimin, Suga, Jungkook, RM, at V ay matatapos sa kalagitnaan ng 2025.

Isang araw pagkatapos ng kanyang discharge, lumahok si Jin sa isang fan event para sa ika-11 anibersaryo ng BTS, kung saan namigay siya ng libreng yakap sa mga masuwerteng fans na collectively tinatawag na Army.

Entertainment

‘Bridgerton’ Season 4, Inilunsad sa Paris na may “Cinderella with a Twist”!

Published

on

Opisyal nang inilunsad sa Paris ang ikaapat na season ng hit Netflix series na “Bridgerton,” na inilarawan ng bida na si Yerin Ha bilang isang “Cinderella with a twist.” Dinagsa ng daan-daang fans ang Palais Brongniart na ginayakan sa mga kulay at temang hango sa serye.

Umiikot ang bagong season sa Benedict Bridgerton (Luke Thompson), ang ikalawang anak ng makapangyarihang pamilya, at sa misteryosang si Sophie Baek na kanyang iniibig—na lingid sa kanya ay isang hamak na katulong, gaya ng kuwento ni Cinderella. Ayon kay Yerin Ha, ito ay kwento ng class struggle at bawal na pag-ibig, hindi isang tipikal na fairy tale.

Mapapanood sa Netflix simula Enero 29, tatalakay ang season sa mas mabibigat na isyu gaya ng ugnayan ng maharlika at mga katulong, seksuwal na karahasan, kapansanan, at sekswalidad ng kababaihan sa mas huling yugto ng buhay. Gaganap bilang malupit na madrasta ni Sophie si Katie Leung, na kilala bilang Cho Chang sa Harry Potter.

Batay sa mga nobela ni Julia Quinn, nananatiling isa sa pinakapinapanood na serye ng Netflix ang Bridgerton mula nang ilunsad ito noong 2020. Nakumpirma na rin ang Season 5 at 6, ikinatuwa ng mga tagahanga.

Continue Reading

Entertainment

Becky Armstrong, Bagong Nanno sa Reimagined na “Girl From Nowhere”

Published

on

Ipinakilala na si Thai-British actress Becky Armstrong bilang bagong Nanno sa reimagined series na “Girl From Nowhere: The Reset.” Mula sa sikat na tambalang FreenBecky, haharap si Becky bilang misteryosang estudyanteng kilala sa sarili niyang paraan ng paghahatid ng hustisya.

Sa Instagram post niya noong Enero 14, ibinahagi ni Becky ang unang larawan niya bilang Nanno at sinabing ito ang “bagong bata, bagong katawan, at bagong uniberso.” Ayon sa ulat ng Bangkok Post, ang serye ay standalone at hindi direktang pagpapatuloy ng orihinal—bagkus ay may hiwalay na timeline at bagong cast.

Mapapanood ang “Girl From Nowhere: The Reset” sa Channel 31 ng Thailand simula Marso. Ang orihinal na serye ay pinagbidahan ni Chicha “Kitty” Amatayakul, na unang ipinalabas noong 2018 at nagkaroon ng ikalawang season sa Netflix noong 2021.

Sumikat si Becky bilang kalahati ng FreenBecky kasama si Freen Sarocha sa GL series na “Gap” noong 2022.

Continue Reading

Entertainment

‘Girl from Nowhere’ Magbabalik sa ‘Reset,’ May Bagong Nanno?!

Published

on

Nagkagulo ang fans ng Thai thriller series na Girl from Nowhere matapos i-tease ang pagbabalik nito—kasama ang posibilidad ng isang bagong Nanno.

Noong Enero 12, naglabas ang opisyal na social media pages ng serye ng poster ng isang estudyanteng naka-iconic na uniporme at hairstyle ni Nanno, ngunit nakatalikod sa kamera. Sa caption, ipinahiwatig ang bagong yugto ng kuwento: “New kid, new body, new universe. But the Nanno inside is still the same.”

Kinumpirma rin sa Facebook intro ng serye ang pamagat at petsa ng pagbabalik: “Girl From Nowhere: The Reset,” na ipapalabas sa Marso 7, 2026.

Dahil dito, umugong ang espekulasyon na may bagong aktres na gaganap bilang Nanno. Lalong lumakas ang hinala matapos lumabas ang naunang poster na tampok ang Thai-British GL star na si Becky Armstrong.

Orihinal na ginampanan ni Chicha “Kitty” Amatayakul si Nanno, na nagtapos ang kanyang kuwento sa ikalawang season noong 2021. Ngayon, handa na ang serye na pumasok sa isang bagong uniberso—na siguradong susubaybayan ng fans.

Continue Reading

Trending

Copyright © 2024 | Pulse Ph