PULSE PH

Atong wala sa Cambodia! Manhunt ng PNP, tuloy-tuloy!

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na wala sa Cambodia si fugitive gambling tycoon Charlie “Atong” Ang, kasunod ng beripikasyon mula sa Cambodian government. Nagpasalamat ang PNP sa kooperasyon ng Cambodia, na ayon sa kanila ay patunay ng matibay na ugnayan ng dalawang bansa sa law enforcement.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nananatiling agresibo ang manhunt hindi lamang laban kay Ang kundi pati sa iba pang wanted persons. May nakabinbing warrants of arrest laban kay Ang mula sa mga korte sa Laguna at Batangas kaugnay ng mga kasong kidnapping with homicide at serious illegal detention sa pagkawala ng mga sabungero.

Nag-alok ang PNP ng ₱10 milyong pabuya para sa impormasyong magtuturo sa pagkakaaresto kay Ang. Patuloy rin ang koordinasyon ng pulisya sa mga ahensya ng gobyerno at foreign counterparts upang subaybayan ang kanyang posibleng kinaroroonan at pigilan ang anumang paggalaw niya sa ibang bansa.

Bagama’t aminado ang PNP na hamon ang malawak na resources ni Ang, iginiit ng pamunuan na tuloy-tuloy ang operasyon hanggang sa siya’y maharap sa hustisya.

Exit mobile version