Nagpasya na si Undersecretary Zuleika Lopez na magbitiw bilang Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte matapos ang emosyonal na epekto ng mga imbestigasyon ng House of Representatives sa confidential funds ng OVP. Ayon kay VP Sara, nagdesisyon si Lopez na mag-resign dahil sa trauma mula sa kanyang pagkakadetine, kaya’t hinayaan niyang tapusin ni Lopez ang mga hearing bago magbitiw.
Inamin ni Duterte na na-trauma si Lopez, na nakaranas ng mga sintomas ng stress tulad ng pagsusuka at panghihina. Pinuna ni VP Sara ang nangyaring detention at iginiit na ito’y isang “attempted homicide,” na nagdulot ng sakit sa kanyang kasamahan. Gayunpaman, nilinaw ng mga mambabatas na ang paglipat kay Lopez sa isang mas ligtas na detention facility ay para sa seguridad.
Si Lopez ay magre-resign pagkatapos ng hearings, pero hindi pa malinaw kung ano ang mga susunod na hakbang sa isyung ito.
