Zsa Zsa Padilla at mga ka-co-star ni Dolphy sa ‘Home Along Da Riles,’ ginunita ang ika-12 anibersaryo ng pagkamatay ng Comedy King.
Sa Instagram post, nagpunta si Padilla, na ngayon ay karelasyon ni architect Conrad Onglao, sa puntod ni Dolphy sa Heritage Park, Taguig, at nag-alay ng puting bulaklak.
“12th death anniversary ni Dolphy ngayon. RIP, Lovey. Lagi kang nasa aming mga dasal at isip,” sulat niya kasama ng litrato sa libingan ng yumaong asawa.
Nag-iwan naman ng mensahe si Erik Quizon, anak ni Dolphy, sa comment section: “As always, Zsa! Thank you for the flowers.”
Pumanaw si Dolphy noong 2012 sa edad na 83 dahil sa chronic lung disease at multiple organ failure.
