Site icon PULSE PH

Zoe Saldana, Nanguna Bilang Pinakamataas na Box Office Gross na Aktor!

Opisyal nang nanguna si Zoe Saldana bilang highest-grossing actor of all time, matapos malampasan ang kapwa Marvel stars na sina Scarlett Johansson at Robert Downey Jr.

Ayon sa datos ng The Numbers, umabot sa $15 bilyon o humigit-kumulang ₱891 bilyon ang kabuuang kita sa pandaigdigang box office ng mga pelikulang kinabilangan ni Saldana. Malaki ang ambag dito ng mga blockbuster franchise tulad ng “Avatar” trilogy, “Star Trek” films, at mga pelikula ng Marvel Cinematic Universe gaya ng “Avengers” at “Guardians of the Galaxy.”

Sa isang Instagram post noong Enero 13, nagpasalamat si Saldana sa mga direktor at kasamahan niyang nagtiwala sa kanya, kabilang sina James Cameron, J.J. Abrams, James Gunn, at ang Russo brothers. Aniya, ang tagumpay ay bunga ng teamwork at ng mga proyektong naging bahagi siya.

Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang mga tagahanga at sinabing ang rekord na ito ay para rin sa kanila. Umaasa rin si Saldana na ang susunod na makakabasag ng rekord ay isa na namang babae.

Sa kasalukuyang talaan, karamihan sa top 10 highest-grossing actors ay mula sa MCU, maliban kina Tom Cruise at Dwayne Johnson, na patunay sa lakas ng mga superhero at sci-fi films sa global box office.

Exit mobile version