Site icon PULSE PH

Zeinab, Dating ‘Di Naniniwala sa Kasal, Napa-‘I Do’ Dahil kay Ray Parks!

Hindi raw talaga naniniwala si Zeinab Harake sa kasal noon—pero nagbago ang lahat nang dumating sa buhay niya si basketball star Ray Parks.

Sa panayam ng mag-asawa sa ABS-CBN ilang linggo matapos ang kanilang intimate wedding sa Tagaytay, inamin ni Zeinab na dati ay wala sa plano niya ang magpakasal.

“Hindi ako fan ng marriage. Para sa akin, dapat ‘yung kasunduan ay galing sa damdamin ng dalawang tao, hindi dahil lang sa pressure ng paligid,” ani Zeinab.

Pero apat na buwan pa lang silang magkasintahan, tinanong na agad siya ni Ray tungkol sa kasal. Nang marinig ang pananaw ni Zeinab, seryoso siyang tinanong ni Ray, “Ano pang ginagawa natin dito?”—na tumatak sa isip ni Zeinab at naging turning point.

“Nagbago ‘yung pananaw ko dahil sa kanya,” dagdag ni Zeinab. “Lalo na nung nagsisimba kami at nakakatanggap kami ng guidance mula sa pastor. Doon ko naramdaman na ito na ‘yung tamang relasyon.”

Mula sa pagiging skeptikal, ngayon ay Mrs. Parks na si Zeinab—proving na minsan, love really does change everything.

Exit mobile version