Site icon PULSE PH

Yen Santos, Binasag ang Katahimikan: “Kapatid ko ‘yun!”

Sa wakas, nagsalita na si Yen Santos tungkol sa matagal nang tsismis na may anak daw sila ni dating gobernador Chavit Singson.

Sa kanyang unang YouTube vlog na pinamagatang “Questions I Am Desperate to Answer,” diretsahang itinanggi ng aktres ang isyu:

“Hindi namin anak ‘yun — kapatid ko po ‘yun,” ani Yen. “Tatlo kaming magkakapatid. ‘Yung sinasabi nilang anak namin ni Manong Chavit, bunsong kapatid ko po ‘yun.”

Ayon pa sa aktres, 11 taong gulang na ang bata at ninong lang nila si Chavit, na matagal nang kaibigan ng kanilang pamilya.

“Simula pa lang ng showbiz career ko, ‘yan na agad ang chismis,” dagdag ni Yen. “Hindi ko na lang pinatulan noon kasi hindi ko alam paano iha-handle. Pero ngayon, malinaw na: wala po kaming anak.”

Dinetalye rin ni Yen na masakit sa kanya ang tsismis noong una, pero ngayon ay kaya na niyang tawanan ito.

“Mahalin natin ang katotohanan — kapatid ko po siya, hindi anak,” sabay tawa ng aktres.

Exit mobile version