Mukhang balak nang talikuran ng social media personality na si Xian Gaza ang kanyang buhay bilang “Pambansang Marites.”
Sa kanyang Facebook page noong Linggo, May 19, ibinahagi niya kung gaano kapayapa ang kanyang buhay sa kasalukuyan.
“O kay sarap ng buhay na tahimik at walang alam sa kahit na anong tsismis,” ani Xian.
Mukhang maganda ang epekto ng pagkakaroon ng fiancee ng kilalang personalidad dahil ito’y nakakatulong para maiwasan ang pang-iintriga sa mga artista.
Ibinunyag rin ni Xian kung paano niya natamo ang kapayapaan na nararanasan niya ngayon.
“Paano? Basically, hindi ako nag-i-scroll sa news feed ko for the last 3 weeks. Magpo-post lang ako tapos logout. After 3 days na ulit magla-login at magpo-post ng bago. Repeat,” pahayag ni Xian.
Idinagdag pa niya sa comment section: “RETIRED MARITES.”
Nag-post rin si Xian ng inspirational message para sa kanyang mga followers.
“Magpatuloy ka kahit walang naniniwala sa ‘yo. Huwag mong hayaang ang kanilang negativity ang magdefine kung sino ka. Huwag mong hayaang hanggang diyan ka na lang just because no one believes in you.
“Just because minamaliit ka nila. Totoo na wala kang kailangang patunayan sa lahat pero kailangan mong patunayan sa sarili mo that you can do better.
“That you can aim higher. Kasi once tinanggap mo na sa sarili mo na hanggang diyan ka na lang at wala ka nang mararating pa, you will live your everyday life without purpose,” ayon kay Xian.