Patuloy ang pag-angat ni Alex Eala sa mundo ng tennis matapos umakyat sa WTA No. 68, ang pinakamataas niyang ranggo!
Nang magwagi muli laban kay Jelena Ostapenko, isang dating Grand Slam champion, si Eala ay nakakuha ng 932 puntos, tumaas mula sa 875 noong siya’y No. 74 sa simula ng torneo. Magandang tanda ito na makakabot pa siya sa mas mataas na ranggo matapos ang Eastbourne Open sa England.
Sa Eastbourne quarterfinals, matutunton ni Eala ang WTA No. 52 Dayana Yastremska ng Ukraine. Ang mananalo ay aabante sa semifinals at makakalaban sina Barbora Krejcikova (No. 17) o Varvara Gracheva (No. 111).
Dahil sa matinding pagsusumikap at hindi pagsuko, nagwagi siya laban kay Ostapenko kahit na natalo siya sa unang set. Sa susunod na linggo, debut ni Eala sa Wimbledon main draw!Mula sa pagiging No. 140, ngayon ay Top 100 na siya sa WTA rankings.