Site icon PULSE PH

Waterbomb Manila 2025: Basaan at Musika!

Mula nang magsimula noong 2015, ang Waterbomb Music Festival ay isa sa mga pinakaabangang summer festivals sa mundo! Pinagsasama nito ang lakas ng EDM, hip-hop, K-pop, at R&B sa adrenaline-pumping water activities, kaya siguradong walang tuyong katawan—at walang dull moment!

Waterbomb Goes Global!
Matapos ang matagumpay na pag-expand sa mga pangunahing lungsod sa South Korea tulad ng Seoul, Busan, at Jeju, dinala rin ng Waterbomb ang saya sa Dubai, Hong Kong, Indonesia, Japan, Thailand, at iba pang bansa—at ngayon, Manila na ang susunod na babaha sa saya!

Sino ang Magpapasabog ng Saya?

📅 Day 1 (Feb 22)

  • Epik High – Legendary hip-hop trio na kilala sa matatalinhagang lyrics
  • Dynamic Duo (Choiza & Gaeko) – OG rappers na sumikat noong 2004
  • Kim Jong Kook – Singer-turned-Running Man favorite
  • Chanyeol (EXO) & Hwasa (MAMAMOO) – K-pop royalty on stage!
  • Baekho (ex-NU’EST), B.I, Kwon Eunbi, Lee Chae Yeon, STAYC, at DJ ROOTS

📅 Day 2 (Feb 23)

  • Jessi – Queen of baddie anthems like “Nunu Nana”
  • Sunmi – Former Wonder Girl, now a solo superstar
  • Hyolyn (ex-SISTAR), BamBam (GOT7), Gray, at Kang Daniel

PPop Represent!

Syempre, hindi rin papahuli ang lokal na talento!
ZÉLA, ang rising PPop star na nasa likod ng “Karma” at “Pogi Boy,” ay isa sa mga flagbearers ng PPop sa Waterbomb Manila! Mula sa modeling at acting hanggang sa kabisado ang entablado, tuloy-tuloy ang kanyang pag-arangkada.

More Than Just Music—Basaan Labanan ‘To!

Hindi lang concerts at party, may splash battle rin!

  • Pipili ang fans sa pagitan ng Team Blue o Team Yellow sa pagbili ng tickets
  • Magkaka-water gun showdown kung sino ang hari ng basaan!
  • Bonus: Pool parties, water cannons, zip-lining, bungee jumping, food stalls, at photo booths!

Waterbomb Manila 2025 is not just a festival, it’s an experience! Handa ka na bang mabasa at magsaya? Huwag palampasin ang ultimate summer party na ‘to!

Exit mobile version