Site icon PULSE PH

Malawakang Transport Strike Magsisimula BUKAS!

Maraming na-stranded na commuters sa Metro Manila nitong Lunes dahil sa unang araw ng transport strike ng Manibela na layuning kumbinsihin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itigil ang public transport modernization program (PTMP).

Nag-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority ng apat na bus para tumulong sa mga pasahero na naipit sa mga ruta ng Edsa Muñoz-Pantranco at Fisher Mall-Welcome Rotunda sa Quezon City.

Ayon kay Manibela chair Mar Valbuena, tatlong araw ang kanilang protesta na nakatakda sanang magsimula noong Agosto 14. Ito’y tututok sa 11 “protest centers” sa Metro Manila, kabilang ang mga lugar sa Caloocan, Las Piñas, Manila, Marikina, Muntinlupa, Parañaque, Pasig at Quezon City.

Nagbabala rin ang transport groups ng serye ng strike mula Agosto hanggang Setyembre bilang pagpapakita ng pagkadismaya sa pagtutulak ni Marcos sa PTMP sa kabila ng malakas na panawagan mula sa Senado na suspendihin ito.

Halos lahat ng 23 senador ay lumagda sa Senate Resolution No. 1096 na humihiling kay Marcos na suspendihin ang implementasyon nito.

Ayon kay Piston national president Mody Floranda, ang kanilang grupo at iba pang stakeholders tulad ng Kilusang Mayo Uno, ay sasali sa ongoing strike ng Manibela upang labanan ang tinawag nilang “peke at huwad” na modernization scheme.

“Hindi nagsisilbi sa interes ng mga Pilipino ang kasalukuyang programa. Kaya idineklara naming ang Agosto at Setyembre bilang mga buwan ng protesta. Magkakaroon kami ng serye ng mga aktibidad, hindi lamang sa National Capital Region, kundi sa buong bansa,” ani Floranda sa isang press briefing nitong Lunes.

Exit mobile version