Tuloy ang exploration! Sinabi ni Prime Minister Anwar Ibrahim na ipagpapatuloy ng Malaysia ang oil and gas exploration sa South China Sea kahit na may mga salungat mula sa Beijing.
Ayon kay Anwar, ang operasyon ng state-run Petronas sa ilalim ng eksklusibong economic zone ng Malaysia ay nasa loob ng kanilang teritoryo. Sa kabila ng pag-angkin ng China sa halos lahat ng nasabing dagat at isang international court ruling na walang legal na base ang kanilang pag-angkin, nagpasya si Anwar na makipag-usap nang maayos sa China.
“China is a great friend,” sabi ni Anwar. “Pero kailangan naming ipaglaban ang aming teritoryo at pang-ekonomiyang interes.”
Tila hindi magpapatalo ang Malaysia sa presyon mula sa Beijing at magpapatuloy sa kanilang exploration plans sa kabila ng diplomatic friction.