Maraming lugar ang nag-anunsyo ng walang pasok sa lahat ng antas sa September 4 dahil sa epekto ng bagyong Enteng. Ayon sa Pagasa, medyo lumakas si Enteng at umalis na sa Philippine Area of Responsibility.
Sa National Capital Region:
- Caloocan, Las Piñas, Malabon, Marikina, Muntinlupa, Pasig, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig – walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko at pribado
- Mandaluyong, Manila, Navotas, Parañaque, Pasay, Valenzuela – walang face-to-face classes
Sa CALABARZON:
- Laguna (San Pedro) at Rizal (Antipolo, Baras, Montalban, Morong, Pililla, Tanay, Taytay) – walang face-to-face classes
Sa Central Luzon:
- Bataan, Bulacan (Calumpit, Hagonoy, Malolos, Marilao, Norzagaray, Obando, San Ildefonso, San Miguel, Santa Maria), Nueva Ecija (Licab, Talavera), Pampanga (Angeles City), Tarlac (Camiling, Capas, Concepcion, Ramos, San Manuel, Santa Ignacia), Olongapo City – walang pasok sa lahat ng antas
Sa Cordillera Administrative Region:
- Benguet (La Trinidad) – walang pasok mula preschool hanggang senior high school
Sa Ilocos Region:
- Ilocos Sur (Bantay, Magsingal), La Union (Bacnotan, Balaoan, Luna, San Fernando City), Pangasinan (Dagupan City) – walang pasok mula preschool hanggang senior high school
Sa MIMAROPA:
- Occidental Mindoro (Lubang) – walang pasok sa lahat ng antas