PULSE PH

Walang nang Backlog! LTO, License Plates Ready Na!

Opisyal nang inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na natapos na nila ang matagal nang license plate backlog matapos makagawa ng mahigit 18.5 milyong plates para sa motorsiklo at sasakyan.

Batay sa datos ng LTO, nakagawa sila ng:

  • 11,815,068 motorcycle plates
  • 6,763,544 motor vehicle plates

Ito ay katumbas ng mahigit 3.3 milyong pares ng plates, sapat na para matugunan ang lumang backlog simula pa noong 2014 at ang kasalukuyang pangangailangan.

Ani LTO officer-in-charge Greg Pua, “Naitupad namin ang aming pangako noong huling araw ng Hunyo.” Pinuri niya ang dedikasyon ng team sa planta na gumawa ng mga plate.

Para sa mabilis at transparent na distribusyon, inilunsad ng LTO ang digital license plate tracker sa eGovPH app — pwede nang i-check ng mga motorista ang status gamit ang kanilang plate number o motor vehicle file number.

Puwede nang kunin ng mga rider ang kanilang plates sa pinakamalapit na LTO office o ipa-deliver via courier.

Ayon kay Transportation Undersecretary Ramon Reyes, inaasahang matatapos ang distribusyon ng 5.4 milyong motorcycle plates by October. Luzon ang may pinakamalaking backlog na 2.4 milyon, sinundan ng Metro Manila, Mindanao, at Visayas.

Ngayon, mahigit 7 milyong plates na ang naipamahagi at tuloy-tuloy pa ang pagpapadala.

Exit mobile version