Habang ang Kamara ang hahawak ng impeachment complaints laban kay VP Sara Duterte, DOJ naman ang aaksyon sa umano’y banta niyang patayin si Pangulong Marcos at pamilya nito.
Sabi ni Rep. Geraldine Roman, trabaho ng Kamara ang proseso ng impeachment, habang DOJ ang bahala sa posibleng criminal liability ni Duterte. Dagdag pa ni Rep. Jude Acidre, magkaibang proseso ito – impeachment ay political, DOJ ay legal.
Bukod sa banta, iniimbestigahan din ang mga alegasyong graft, bribery, at betrayal of public trust laban kay Duterte. Pero mariin ding sinabi ng mga mambabatas na tila “peke” ang mga banta, parang mga pangalan lang na “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin.”
Sa huli, tanong ni Roman: “Banta ba talaga o drama para sa simpatiya?”