Site icon PULSE PH

VP Duterte, Wala Pa Ring Balak Dumalo sa Nalalapit na SONA!

Kinumpirma ng House leadership na hindi dadalo si Vice President Sara Duterte sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Marcos sa Hulyo 28.

Ayon kay House secretary general Reginald Velasco, may nakahandang upuan at holding room pa rin para kay Duterte kung sakaling magbago siya ng isip.

“No final word yet, pero may VIP seat pa rin siya sa gallery,” ani Velasco.

Matatandaang hindi rin dumalo si Duterte sa SONA noong nakaraang taon at tinawag ang sarili bilang “designated survivor.”
Lalong lumalim ang lamat sa pagitan nila ni Marcos simula noong 2023, kasabay ng pagguho ng kanilang political alliance.

Noong Marso, inaresto ang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at isinuko sa ICC kaugnay ng isyu sa madugong drug war.

Mariing kinondena ni Mayor Maruja Mastura ang krimen at nanawagang panagutin ang mga salarin.

Exit mobile version