Site icon PULSE PH

Voter Registration para sa Barangay at SK Polls, Aarangkada Na!

Magkakaroon muli ng voter registration ang Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, 10 araw ang nakatakdang registration period na posibleng ganapin sa Hulyo o Agosto upang bigyan ng mas maraming kabataan ang pagkakataong makaboto.

Target ng Comelec na makapagparehistro ng hindi bababa sa 1.2 milyong bagong botante, karamihan ay mula sa sektor ng kabataan.

“Inaasahan natin ang mahabang pila, kaya kailangan nating maglagay ng satellite registration centers o dalhin ang proseso mas malapit sa mga tao,” pahayag ni Garcia sa Kapihan sa Manila Bay kahapon.

Tinutalakay rin ng Comelec kung palalawigin ang 10-day registration period, ayon kay Commissioner Nilo Pipo, na sumang-ayon sa mungkahing ma-extend ang proseso.

Para naman sa mga hindi nakaboto sa nakaraang dalawang eleksyon, maaari nilang i-reactivate ang kanilang voter status sa panahon ng registration.

Exit mobile version