Site icon PULSE PH

Viva, Ipinakilala ang “Viva Movie Box,” Unang Vertical Streaming App sa Pilipinas!

Kasabay ng ika-44 anibersaryo nito, inilunsad ng Viva Communications, Inc. noong Nobyembre 10 ang bago nitong vertical-format streaming platform na tinatawag na Viva Movie Box (VMB) — isang app na idinisenyo para sa mga maikling serye na eksklusibong mapapanood sa mobile phones.

“Ito ang aming bagong handog kung saan mapapanood ang mga maiikling drama na puno ng pusong Pilipino,” ani Valerie.

Sa pamamagitan ng VMB, binibigyang-buhay ng Viva ang kanilang husay sa paggawa ng serialized drama sa isang modernong digital format, na mas madaling ma-access at mas kaakit-akit sa next-generation viewers.

Binigyang-diin naman ni Vincent del Rosario, pangulo ng Viva Communications, ang kahalagahan ng VMB bilang hakbang upang manatiling relevant sa nagbabagong streaming landscape.

“Ang VMB ay patunay na patuloy naming inuuna ang gusto ng mga Pilipinong manonood,” wika ni Vincent.

Tampok sa mga unang palabas ng VMB para sa 2026 lineup ang mga orihinal na titulong “Akin Ka Lang,” “Elisa: Batang Kabit,” “Maid for Revenge,” “Love Forbids,” “Inagaw na Anak,” “A Mistress’ Guide to Moving On,” at “She’s Not My Sister.”
Kasama rito ang mga sikat na artista tulad nina Ryza Cenon, Nathalie Hart, Meg Imperial, Louise delos Reyes, at Mon Confiado.

Bawat episode ay tatagal lamang ng 1 hanggang 2 minuto, at bubuuin ng 50 hanggang 70 episodes bawat serye — mula romansa, pamilya, adult drama, hanggang stylized at campy stories. Plano rin ng Viva na magdagdag ng horror, comedy, action, at fantasy sa hinaharap.

May bayad na ₱59 kada linggo, at maida-download na ang Viva Movie Box sa Google Play at Apple App Store.

Exit mobile version