Isang vintage bomb, na tinatayang mula pa noong World War II, ang natagpuan sa MIA Road malapit sa NAIA Terminal 2 sa Pasay kahapon. Ayon sa mga trabahador ng NAIA Infra Corp., nadiskubre nila ang bomba habang nagsasagawa ng road widening project.
Dahil dito, tinigil muna ang trabaho sa kalsada. Sinabi ng pulisya na maaaring mag-explode pa ang bomba, kaya’t agad itong dinala sa Explosive Ordnance Disposal Unit ng PNP para sa tamang disposal. Laking ginhawa, walang nasaktan!
