PULSE PH

Vilma Santos, Inamin na Nahirapan sa Matinding Eksena ng ‘Uninvited’

Ibinunyag ni Vilma Santos, ang “Star for All Seasons,” na tumaas ang kanyang blood pressure (BP) dahil sa matinding eksena sa kanyang upcoming MMFF 2024 entry na Uninvited. Ayon kay Vilma, umabot ang BP niya sa 140/90 kaya’t napilitan ang mga producer na itigil ang shooting.

“Wala silang choice, kailangan mag-pack up,” sabi ni Vilma. “Pero sabi ko, ‘Hindi po! Ayoko sila gumastos.’ Pero dahil sa tulong ni God, natapos din namin, at proud ako sa ginawa ko.”

Ipinahayag ni Vilma na ang kanyang role sa Uninvited ay nagbigay ng bagong hamon sa kanya. “Matagal na akong naghahanap ng role na mag-challenge sa akin at natagpuan ko ito sa pelikulang ito,” ani Vilma, na may higit 62 taon sa industriya.

Ang Uninvited ay pinagbibidahan ni Vilma kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre, pati na rin ang ibang powerhouse cast tulad nina RK Bagatsing, Mylene Dizon, at Lotlot de Leon. Ang pelikula ay mula sa Mentorque Productions at distributed ng Warner Bros. Pictures, sa direksyon ni Dan Villegas.

Exit mobile version