Site icon PULSE PH

Vietnam, Lubog sa Baha at Landslide: 90 Patay!

Umakyat na sa 90 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha sa Vietnam, habang 12 pa ang nawawala, ayon sa environment ministry nitong Linggo. Halos dalawang linggo nang walang tigil ang malalakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga sikat na destinasyon at liblib na lalawigan.

Pinakamalubha ang tama ng Dak Lak province, kung saan mahigit 60 katao ang naiulat na namatay at sampu-sampung libong bahay ang nalubog sa tubig. Kuwento ng 61-anyos na magsasakang si Mach Van Si, dalawang gabing na-stranded siya at ang asawa sa bubong ng kanilang bahay:

“Wala nang natira sa aming komunidad. Lahat tinabon ng putik… Akala ko mamamatay na kami.”

Sa Nha Trang, inanod ang kabuuang bahagi ng lungsod, habang nagdulot naman ng nakamamatay na landslide ang pag-ulan sa mga bundok papuntang Da Lat.

Apektado rin ang kabuhayan—mahigit 80,000 ektarya ng pananim ang nasira at 3.2 milyon na hayop at manok ang namatay o inanod. Dalawang tulay sa Khanh Hoa ang winasak ng rumaragasang tubig, nag-iwan ng mga kabahayan na walang madaanan.

Patuloy ang pagsagip at paghatid ng tulong gamit ang mga helicopter, habang tens of thousands na personnel ang nagdadala ng pagkain, damit, at malinis na tubig sa mga isolated communities. Mahigit 129,000 households ang wala pa ring kuryente.

Tinatayang umabot na sa $343 milyon ang pinsalang pang-ekonomiya sa limang probinsya. Mula Enero hanggang Oktubre, umabot na sa 279 ang kabuuang namatay o nawawala dahil sa natural na kalamidad sa bansa.

Ayon sa mga siyentista, lumalala ang tindi ng extreme weather sa rehiyon dahil sa climate change, at ang nangyayaring pagbaha sa Vietnam ay malinaw na halimbawa nito.

Exit mobile version