PULSE PH

Vice Ganda, Nataranta sa Contestant na Walang Alam sa Comelec!

Nagulantang si Vice Ganda nang malaman na hindi alam ng isang 20-anyos na contestant sa It’s Showtime ang tungkulin ng Commission on Elections (Comelec).

Sa isang viral clip, maririnig ang host na nagsabing, “Oh my gosh, that’s bothersome.” Ang reaksyong ito ay matapos umamin si Heart Aquino, isang kalahok sa Sexy Babe segment, na wala siyang masyadong alam tungkol sa Comelec at hindi pa siya nakakaboto.

“Wala kang naririnig? Hindi ka ba nanonood ng TV? Nagbabasa ng dyaryo?” tanong ni Vice Ganda. Sagot ng contestant, wala silang TV sa bahay.

Sinubukan pang ungkatin nina Vice at Kim Chiu kung nakakakuha ba siya ng balita sa Internet o social media, pero sagot ng dalaga, “Hindi din kasi lumilitaw sa newsfeed ko.”

Dahil dito, tinanong ni Vice Ganda, “So, sinong may kasalanan na hindi ka informed?” at ipinaliwanag nila ni Jhong Hilario ang papel ng Comelec, lalo na’t papalapit na ang mid-term elections ngayong Mayo.

Matapos mabigyan ng impormasyon, nagbigay ng mensahe ang contestant:

“Siguro ang message ko po sa kanila, let’s be fair po dahil po meron po tayong mga ano… kahit barangay lang ‘yan, ‘yung mga bayad-bayad ng votes. So, let’s be fair po. Deserve natin ‘yung uupo na talagang may maibibigay sa atin bilang community.”

Nagbigay rin ng komento ang guest judge na si JC de Vera. Pinuri niya ang contestant pero pinaalalahanan siyang responsibilidad ng bawat Pilipino na maging mulat sa mga nangyayari sa bansa.

Ang insidente ay nag-udyok ng mainit na diskusyon sa social media, kung saan maraming netizens ang nagpahayag ng pangamba sa kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at ang epekto ng social media algorithms sa kaalaman ng kabataan.

Exit mobile version