Proud na proud si Vic Sotto sa kanyang anak na si Pasig Mayor Vico Sotto, na mas piniling tahakin ang daan ng public service kaysa showbiz.
Sa press conference ng MMFF movie niya na “The Kingdom,” ibinahagi ni Vic na bata pa lang si Vico ay may interes na ito sa public service.
“Maliit pa lang, nagbabasa na ‘yan ng Philippine Constitution. Sobrang interesado na siya. Pagkatapos ng college, nagtrabaho siya sa isang LGU, at doon niya nakita kung gaano kalaganap ang corruption sa kultura natin,” kuwento ni Vic.
Ayon kay Bossing, nakita raw ni Vico ang mga “ghost employees” sa city hall na parang multo lang na umiikot. Hanggang isang araw, sinabi ni Vico, “Pa, gusto ko mag-resign. Gusto ko tumakbo bilang konsehal. Gusto kong magbigay ng halimbawa ng mabuting pamamahala.”
Dagdag ni Vic, si Vico na mismo ang nagpatupad ng Freedom of Information Bill sa Pasig—ang tanging lungsod sa bansa na meron nito.
“As a matter of fact, ang FOI Bill, sa Pasig lang meron. Sa national level, hindi pa napapasa. Maraming itinatago ang ilan kaya hindi pa ‘yan nagagawa,” ani Vic.
Tunay na isang inspirasyon si Vico hindi lang sa Pasig kundi sa buong bansa, kaya naman walang tigil ang suporta at pagmamalaki ni Bossing sa kanyang anak!