Inanunsyo ng Vatican noong Miyerkules na magsisimula ang siyam na araw ng pagluluksa para kay Pope Francis sa Sabado, ang araw ng kanyang libing.
Bawat araw, magkakaroon ng mga prayer events sa St. Peter’s Basilica bilang bahagi ng “novemdiales,” isang tradisyunal na seremonya ng panalangin, na tatagal hanggang Mayo 4.
Ang anunsyo ay ginawa kasabay ng pagpupulong ng mga kardinal ng Simbahang Katolika upang talakayin ang mga susunod na hakbang matapos pumanaw ang Argentine pope noong Lunes sa edad na 88.
Wala pang itinakdang petsa para sa conclave—ang lihim na pagpupulong ng mga kardinal na wala pang 80 taong gulang upang pumili ng bagong pope. Ngunit ayon sa tradisyon, kailangan itong maganap sa loob ng 15 hanggang 20 araw mula sa pagkamatay ng pontiff.