PULSE PH

UST at FEU Lady Spikers – May Bagong Queens ng Volleyball?!

Patuloy ang dominasyon ng UST at FEU sa UAAP Season 87 women’s volleyball, patunay na hindi basta-basta ang mga dating semifinalists!

Kumonekta ang UST Golden Tigresses sa kanilang ika-apat na sunod na panalo matapos pataubin ang UP, 25-11, 25-23, 23-25, 25-12, sa Mall of Asia Arena. Matibay pa rin sila sa second spot (4-1) sa likod ng undefeated defending champion, National U.

Muling bumida ang deadly duo ng UST na sina Regina Jurado (22 pts.) at Angge Poyos (21 pts.), na kahit nagkaroon ng misstep sa third set ay agad bumangon para tapusin ang laban.

Kahit may season-ending injuries ang ilang key players, hindi natinag ang Golden Tigresses. Salamat sa solid na suporta nina Margaret Altea (9 pts.), Athena Abbu (7 pts.), Cassie Carballo (7 pts., 21 sets), at team captain Detdet Pepito (22 digs, 10 receptions).

“Ni-remind ko lang ang team na kalma lang, kasi kapag sinasabayan ‘yung laro ng kalaban, doon kami nagkakagulo. Buti na-apply namin sa fourth set,” sabi ni Jurado.

Samantala, sumolo sa third place ang FEU Lady Tamaraws matapos makuha ang kanilang pangalawang sunod na panalo! Ang trio nina Gerzel Petallo (12 pts.), Chenie Tagaod (11 pts.), at Mitzi Panangin (11 pts.) ang nagdala sa Lady Tams matapos ang maagang back-to-back losses.

Exit mobile version