Connect with us

News

US Officials, Pinalagan ang Immigration Raid!

Published

on

Pinagtanggol ng mga pangunahing opisyal ng US immigration noong Linggo ang agresibong “snatch and detain” tactics ng mga masked at armadong federal agents, ilang araw matapos maglabas ng kautusan ang isang federal judge na nagsabing ang mga pag-aresto ay “base lang sa lahi.”

Pinangunahan ni Tom Homan, border czar ni dating Pangulong Trump, at ni Kristi Noem, Homeland Security Secretary, ang depensa ng administrasyon sa mga Sunday talk shows. Kasabay nito, naiulat ang pagkamatay ng isang farm worker sa California matapos madale sa isang raid sa legal na cannabis farm.

Noong Biyernes, iniutos ni District Judge Maame Ewusi-Mensah Frimpong ang pagtigil sa mga “roving patrols” na target ang mga undocumented migrants sa Los Angeles, dahil ang batayan na lahi, wika, o lugar ng trabaho ay hindi sapat na dahilan para arestuhin ang isang tao.

Ani Homan sa CNN:

“Hindi pwedeng physical description lang ang basehan ng pag-detain. Maraming factors ang tinitingnan.”
Pero inamin niya na bahagi ng assessment ang itsura, kaya may mga “collateral arrests” na hindi intensyonal na nakakadetain ng mga inosenteng tao.

Sinabi rin niya na susundin nila ang kautusan ng hukom pero ipaglalaban nila ito sa apela.

Tinawag naman ni Noem na “ridiculous” ang desisyon ng hukom at inakusahan itong may pulitikang motibo.
Aniya sa Fox News:

“Laging base sa case work ang mga operasyon namin, target namin ay mga kriminal.”

Si Trump, na nangako noon na ideport ang milyun-milyong undocumented migrants, ay nagsagawa na ng mga hakbang para pabilisin ang deportasyon at bawasan ang pagpasok sa border.

Bilang “sanctuary city,” matagal nang target ng Trump administration ang Los Angeles, lalo na matapos ang mga raids na nagdulot ng mga protesta noong nakaraang buwan. Nagpadala pa si Trump ng National Guard at US Marines para pigilan ang kaguluhan.

Ayon sa gobernador ng California na si Gavin Newsom, hindi naman kailangan ang militar dahil mapayapa ang mga protesta, pero hindi pa natatanggal ang mga tropa sa ngayon.

Noong Huwebes, nag-raid ang ICE sa isang cannabis farm sa Ventura County, sa labas ng Los Angeles. Mga 200 migrants ang nadakip at nagkaroon ng gulo sa mga nagprotesta.

Isang worker ang nahulog mula sa bubong ng greenhouse habang tinatakas sa ICE, at namatay noong Sabado.

News

Atong Ang, Pinaghahanap; 17 Inaresto sa Kaso ng Nawawalang Sabungero!

Published

on

Isinailalim na sa malawakang manhunt si gaming tycoon Charlie “Atong” Ang matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte kaugnay ng pagkawala at umano’y pagpatay sa ilang sabungero. Labimpito (17) sa kanyang mga kasong kasabwat—kabilang ang 10 pulis at 7 sibilyan—ang naaresto, habang nananatiling at large si Ang.

Ayon sa RTC Branch 26 sa Sta. Cruz, Laguna, nahaharap sina Ang at ang iba pa sa non-bailable na mga kaso ng kidnapping with homicide at serious illegal detention, kaugnay ng pagkawala ng apat na sabungero noong Enero 2022. Kinumpirma ng CIDG na lahat ng co-accused ni Ang ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Ipinahayag ng Bureau of Immigration na wala umanong rekord ng paglabas ng bansa si Ang kamakailan, kaya pinaniniwalaang nasa Pilipinas pa rin siya. Samantala, kikilos ang DOJ para sa Hold Departure Order laban sa mga akusado.

Nag-ugat ang kaso sa mga testimonya ng whistleblower na si Julie “Don-Don” Patidongan, na nagsabing si Ang ang umano’y utak sa likod ng pagdukot at pagpatay sa mga sabungero, na ayon sa kanya ay itinapon sa Taal Lake. Mariing itinanggi ito ng kampo ni Ang at kinuwestiyon ang warrant bilang “premature.”

Samantala, sinalubong ng mga pamilya ng mga nawawala ang paglabas ng mga warrant bilang mahalagang hakbang tungo sa hustisya, habang tiniyak ng Malacañang ang mabilis na pagpapatupad ng batas.

Continue Reading

News

Death Penalty Hinihingi Laban kay Ex-Pres. Yoon sa Martial Law Case!

Published

on

Humingi ang special prosecutor ng South Korea ng death penalty laban kay dating Pangulong Yoon Suk Yeol kaugnay ng kanyang bigong deklarasyon ng martial law noong 2024.

Inihain ang kahilingan matapos ang pagtatapos ng paglilitis nitong Martes, at inaasahang ilalabas ng korte ang desisyon sa Pebrero 19. Kinasuhan si Yoon ng pamumuno sa insurrection, isang mabigat na krimen na hindi saklaw ng presidential immunity at may parusang kamatayan.

Ayon sa prosekusyon, idineklara umano ni Yoon ang martial law upang manatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagkontrol sa hudikatura at lehislatura. Mariin naman itong itinanggi ni Yoon, iginiit na ito ay nasa loob ng kanyang kapangyarihang konstitusyonal at layong protektahan ang kalayaan at soberanya ng bansa.

Noong Disyembre 3, 2024, nagpadala ng tropa si Yoon sa National Assembly, ngunit makalipas ang tatlong oras ay ibinasura ng mga mambabatas ang kautusan. Tuluyang inalis ang martial law makalipas ang anim na oras.

Kung sakaling ipatupad, ito ang magiging unang execution sa South Korea sa halos 30 taon, bagama’t itinuturing ng Amnesty International ang bansa bilang “abolitionist in practice” dahil walang naisasagawang bitay mula pa noong 1997.

Continue Reading

News

Tulfo, Panukalang Alisin ang Travel Tax sa Economy Class!

Published

on

Iminungkahi ni Senador Raffy Tulfo ang pagtanggal ng travel tax para sa mga pasaherong naka-economy class, dahil aniya’y dagdag pabigat ito sa karaniwang Pilipinong biyahero.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 88, binigyang-diin ni Tulfo na sapat na ang iba’t ibang buwis na binabayaran ng mga mamamayan tulad ng income at consumption taxes, kaya’t hindi na makatarungan ang paniningil pa ng travel tax sa mga nagtitipid na pasahero.

Nilinaw naman ng senador na hindi tuluyang aalisin ang travel tax. Sa halip, mananatili ito para sa mga pasaherong nasa business class o mas mataas pa, na mas may kakayahang mag-ambag sa pondo ng gobyerno.

Ayon kay Tulfo, magpapatuloy pa rin ang pondo para sa TIEZA, CHED, at NCCA, habang nababawasan ang pasanin sa bulsa ng karaniwang Pilipinong bumiyahe.

Continue Reading

Trending

Copyright © 2024 | Pulse Ph