Nagbigay ng babala ang Estados Unidos sa Israel na huwag ulitin ang matinding pagkawasak tulad ng sa Gaza sa ginagawang operasyon laban sa Lebanon. Ito’y matapos magbanta si Prime Minister Benjamin Netanyahu na haharap sa “destruction” ang Lebanon kung hindi matitigil ang bakbakan.
Ayon sa State Department ng US, dapat iwasan ng Israel ang anumang aksyon sa Lebanon na magreresulta ng kaparehong pagkawasak gaya ng sa Gaza. Ngunit tila hindi nagpapahinga ang Israeli forces sa patuloy na pag-atake sa Hezbollah, na umabot na sa higit 1,200 na ang nasawi mula noong Setyembre 23.
Sa isang tawag kay Netanyahu, pinaalalahanan ni US President Joe Biden ang Israel na limitahan ang pinsala sa mga sibilyan, lalo na sa siksikang lugar tulad ng Beirut.
Nagbabala rin si Netanyahu sa mga mamamayan ng Lebanon na iligtas ang kanilang bansa mula sa Hezbollah upang maiwasan ang pagkawasak at paghihirap na tulad ng sa Gaza.