Matapos ang dalawang taong imbestigasyon, ipinahayag ng US lawmakers na malaki ang posibilidad na ang COVID-19 ay nagmula sa isang Chinese laboratory. Ayon sa 520-page report ng Republican-controlled House committee, tinukoy nila ang “lab leak” theory bilang pangunahing pinagmulan ng virus.
Ang imbestigasyon ay kinabibilangan ng mga interbyu, dokumento, at mga lihim na sesyon, kabilang ang pakikipagtagpo kay Dr. Anthony Fauci. Pinagtibay din ng report na ang mga lockdown at mask mandates ay hindi gaanong epektibo, ngunit nagpasikat ang Operation Warp Speed sa pagpapabilis ng bakuna.
Ang mga kontrobersiyal na pondo para sa “gain-of-function” research sa Wuhan Institute of Virology ay isa ring naging sentro ng isyu, at bagamat tinanggi ito ni Fauci, sinabi ng panel na malamang na ang virus ay lumabas mula sa aksidenteng pang-laboratoryo.