Nagbigay ng signal ang mga opisyal ng Estados Unidos na nais nilang makipag-usap sa China tungkol sa matinding taripa na nagdulot ng kaguluhan sa merkado at global supply chains. Ayon sa Beijing-backed outlet na Yuyuan Tantian, ang US ay “proactively” nakipag-ugnayan sa China upang mag-usap tungkol sa mga taripa.
Simula nang ipatupad ang 145% na taripa ng US sa mga produktong Tsino noong Abril, sumagot naman ang Beijing ng 125% na taripa sa mga produkto mula sa Amerika. Ayon sa mga source, ngayon ay tila ang US ang higit na nag-aalala at nagmamadaling makipag-ayos.
Habang si President Trump ay nagsabi ng “magandang pagkakataon” na magkasunduan, iginiit ng China na tanging “makatarungan at pantay” na usapan lang ang kanilang tatanggapin.