Matapos ang matinding diskusyon, naipasa na ng House Republicans ang isang malawakang tax break at spending bill na tinawag ni Pangulong Donald Trump na “malaki at maganda.” Sa mahigpit na botohan na 215-214, nagtagumpay ang panukala laban sa matinding pagtutol ng ilang konserbatibong mambabatas.
Ang batas na ito ay naglalayong ipagpatuloy ang mga tax cuts mula pa noong administrasyon ni Trump noong 2017 at magbigay ng malaking pondo para sa defense at programa ng mass deportation. Pansamantalang tatanggalin nito ang buwis sa overtime at tip—mga pangakong kampanya ni Trump noong 2024.
Pero may kapalit ang panalo: malalaking pagbabawas sa Medicaid para sa mga mahihirap at sa SNAP, isang programa para sa food assistance ng mahigit 42 milyon. Ito ang naging dahilan ng matinding pagtutol ng mga Demokrito, na nagsabing malaki ang magiging epekto nito sa mga bata, matatanda, at may kapansanan.
“Masasaktan ang mga bata, kababaihan, at matatanda,” ani Hakeem Jeffries, lider ng mga Demokrito sa House. Nagbabala rin ang White House na ang pagkabigo ng panukala ay magiging “ultimate betrayal.”
Isa pang isyu ay ang napakalaking gastos: posibleng tumaas ang utang ng Amerika ng $5.2 trilyon at ang budget deficit ng $600 bilyon sa susunod na taon. Ito rin ang dahilan kung bakit ibinaba ng Moody’s ang credit rating ng US kamakailan.
Sa ngayon, nakabinbin pa ang Senado kung papayagan o babaguhin ang panukala bago ito muling bumalik sa House para sa final na boto.
Pinipilit ni Trump na mabilis na aprubahan ng Senado ang batas, habang ang mga Demokrito ay gagamitin ito bilang armas laban sa mga Republicans sa midterm elections.
Sa kabila ng tagumpay, mahigpit ang kontrol ng Republicans sa House kaya madaling mabago ang ihip ng hangin. Posibleng maantala ang mga plano ni Trump depende sa kinalabasan ng midterms.