Malaking bawas ang ginawa ng US sa budget para sa overseas development at aid programs—umabot sa 92% o halos $54 bilyon, ayon sa State Department.
Matapos maupo si Pangulong Donald Trump noong Enero 20, pinirmahan niya ang isang executive order para i-freeze ang foreign aid sa loob ng 90 araw. Sinuri ang mga programa at tinanggal ang halos 5,800 multi-year contracts, habang 4,100 grants na may halagang $4.4 bilyon ang inalis.
Hindi kasama sa binawasan ang food assistance, medical aid laban sa HIV at malaria, pati suporta sa Haiti, Cuba, Venezuela, at Lebanon.
