Site icon PULSE PH

Ukraine, Handa Nang Pumirma sa Minerals Deal!

Handa nang lagdaan ng Ukraine ang isang kasunduan sa Estados Unidos kaugnay ng pagmimina ng mineral, ayon kay President Volodymyr Zelensky sa isang panayam sa UK media nitong Linggo.

Napurnadang Kasunduan Matapos ang Mainit na Pag-uusap

Ang kasunduang ito, na bahagi ng isang planong pang-ekonomiya para sa post-war recovery ng Ukraine, ay dapat sanang nilagdaan noong Biyernes sa isang opisyal na pagbisita ni Zelensky sa Washington. Ngunit matapos ang isang tensiyonadong pulong sa Oval Office kasama si US President Donald Trump, naantala ang pirmahan.

Sa nasabing pulong, pinagsabihan ni Trump si Zelensky na dapat itong maging mas “thankful” sa suporta ng Amerika at nagbabala na kung walang US assistance, matagal na umanong nasakop ng Russia ang Ukraine.

“You’re either going to make a deal or we’re out,” ani Trump. “And if we’re out, you’ll fight it out and I don’t think it’s going to be pretty.”

Dahil sa mainit na pag-uusap, umalis si Zelensky sa White House nang hindi na natuloy ang joint press conference, at ang kasunduan ay nanatiling hindi pa napipirmahan.

Suporta Mula sa European Allies

Sa kabila ng insidente, ipinakita ng European allies ang suporta kay Zelensky sa isang summit sa London, na pinangunahan ni UK Prime Minister Keir Starmer. Ilang European leaders ang nangakong maglalaan ng mas malaking budget para sa seguridad at magtatayo ng coalition para sa isang potensyal na truce agreement sa Russia.

Samantala, inihayag ni French President Emmanuel Macron na ang France at Britain ay magmumungkahi ng one-month ceasefire sa Russia bilang unang hakbang sa usapang pangkapayapaan.

Exit mobile version