Hindi lang MVP ang habol ni Kevin Quiambao—UAAP championship ang tunay na target!
Matapos manguna sa MVP race sa unang round ng UAAP Season 87, mas nakatuon si Quiambao sa pagdepensa ng korona para sa reigning champs na La Salle. “Confident kami na kaya naming talunin lahat ng teams,” sabi ni Quiambao, na may 87.571 statistical points.
Pinangunahan ni Quiambao ang liga sa scoring, averaging 16.4 points, 8.9 rebounds, 5.4 assists, at 1.29 steals sa kanilang 6-1 start, kabilang ang pagbasag sa perfect record ng UP. Sa kanilang 68-56 panalo, nagpakitang-gilas siya ng 20 points at 10 rebounds.
Bagama’t natalo sa UE, agad bumangon ang La Salle at nagwagi ng tatlong sunod na laro. “Nag-players meeting kami, sabi namin pressure is privilege. Pinrotektahan namin ang inner circle ng team,” dagdag niya.
Mas handa na ngayon si Quiambao at ang Archers para sa second round, na may malinaw na misyon—ang depensahan ang kanilang titulo!