Site icon PULSE PH

U.S.A, Aprubado ang Pagbenta ng $28B Bomb Kit Deal sa Israel!

Inanunsyo ng Estados Unidos nitong Lunes ang pag-apruba sa $510 milyon na bentahan ng bomb guidance kits at kaugnay na suporta para sa Israel. Ito ay kasunod ng malaking paggamit ng mga munisyon ng Israel sa kanilang kamakailang labanan kontra Iran.

Ayon sa US Defense Security Cooperation Agency (DSCA), layunin ng pagbebenta na palakasin ang kakayahan ng Israel na ipagtanggol ang kanilang mga hangganan, mahalagang imprastruktura, at mga sentro ng populasyon laban sa kasalukuyan at mga paparating na banta.

Iginiit ng US na committed sila sa seguridad ng Israel, na mahalaga rin para sa kanilang pambansang interes ang pagtulong sa Israel na magkaroon ng malakas at handang depensa.

Naaprubahan na ito ng US State Department, at ipinabatid na rin sa Kongreso ng US, na kailangang magbigay ng pinal na pag-apruba sa transaksyon.

Naglunsad ang Israel ng pambihirang air strike noong Hunyo 13 laban sa mga nuclear site, siyentipiko, at mga top military official ng Iran bilang hakbang para tapusin ang nuclear program ng Iran. Bagamat sinasabi ng Tehran na para ito sa civilian use, naniniwala ang US at ibang bansa na target nito ang paggawa ng atomic weapons.

Noong panahon ni dating Pangulong Trump, sinubukan muna niyang maghanap ng diplomatikong solusyon para palitan ang nuclear deal ng Iran, pero sa huli, inutusan niya ang mga US military strike sa mga nuclear site ng Iran.

Bagamat may tigil-putukan kamakailan, nangako si Israeli PM Benjamin Netanyahu na hindi papayagang maibalik ng Tehran ang kanilang nuclear facilities, na posibleng magbukas ng bagong hidwaan sa hinaharap.

Exit mobile version