Dumanas ng malalakas na hangin at ulan ang Hong Kong matapos dumaan si Typhoon Wipha sa katimugang bahagi ng China. Aabot sa 250 katao ang naghanap ng silungan sa mga evacuation center, habang mahigit 450 ulat ng mga napataling puno at ilang pagbaha ang natanggap.
Nasa T10 tropical cyclone warning ang lungsod ng ilang oras bago ito ibaba sa T8, ngunit patuloy ang epekto ng malalakas na hangin at ulan sa ilang bahagi ng lugar. Dahil sa bagyo, tinatayang 500 flights ang nakansela, at nagtakda ng suspensyon sa klase sa mga paaralan at daycare centers.
Sa kalapit na Macau, ipinatupad din ang top-level typhoon warning at suspendido ang lahat ng pampasaherong transportasyon. Nagdulot din si Wipha ng pagbaha sa Pilipinas, kung saan dalawang tao ang na-report na nawawala.