PULSE PH

Trump kinalampag ang mga alyado na tumulong sa seguridad sa Strait of Hormuz

Muling nagbabala si US President Donald Trump sa mga kaalyadong bansa na dapat silang mag-ambag sa pagpapanatili ng seguridad sa Strait of Hormuz. Iginiit ni Trump na hindi dapat ang Estados Unidos lamang ang pumapasan sa gastos at panganib sa pagbabantay sa mahalagang daanang tubig na ito kung saan dumadaan ang malaking bahagi ng suplay ng langis sa mundo.

Ayon sa ulat, nais ni Trump na magpadala rin ng kani-kanilang mga barkong pandigma at resources ang mga bansang nakikinabang sa langis mula sa Gitnang Silangan. Binigyang-diin niya na ang proteksyon sa mga oil tanker ay responsibilidad ng lahat ng bansang gumagamit sa ruta, lalo na ang mga mayayamang bansa sa Asya at Europa.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng “America First” policy ni Trump, kung saan nais niyang bawasan ang dumedepende sa militar ng Amerika nang walang kaukulang tulong mula sa ibang bansa. Nagbabala rin ang administrasyong Trump na kung hindi makikipagtulungan ang mga alyado, maaaring magkaroon ng pagbabago sa presensya ng US Navy sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, nananatiling tensyonado ang sitwasyon sa Strait of Hormuz dahil sa mga banta ng harasment sa mga barko, na nagdudulot ng pangamba sa posibleng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Exit mobile version