Site icon PULSE PH

Trump, Gagamitin ang Militar para sa Malawakang Deportation!

Kinumpirma ni Donald Trump na plano niyang gumamit ng US military para sa malawakang deportation ng undocumented migrants. Sa Truth Social, sinabi niyang handa siyang magdeklara ng national emergency para harapin ang umano’y “invasion” sa southern border.

Top priority ni Trump ang immigration matapos ang rekord na pagdami ng illegal crossings sa panahon ni Biden. Itinalaga na rin niya ang immigration hardliner na si Tom Homan bilang “border czar.”

Ayon kay Homan: “Sa mga illegal immigrants, mag-empake na kayo.” Target ng plano ang 11 milyong undocumented migrants, na posibleng makaapekto sa 20 milyong pamilya.

Pinuna ng mga kritiko ang plano, lalo na’t gagamitin umano ni Trump ang Alien Enemies Act ng 1798, na ginamit noon sa World War II para ikulong ang Japanese-Americans.

Trump, tila balik sa kanyang kontrobersyal na istilo!

Exit mobile version