Sa kauna-unahang pagpupulong nina US President Donald Trump at Philippine President Ferdinand Marcos Jr., binatikos ni Trump ang dating administrasyon ni Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trump, “Hindi nila alam ang ginagawa nila… hindi sila nakikipag-ayos sa kahit sino.” Kasalukuyang nakakulong si Duterte sa International Criminal Court dahil sa umano’y crimes against humanity.
Ngayon, ipinahayag ni Trump ang kasiyahan sa mas maayos na relasyon ng US at Pilipinas sa ilalim ni Marcos, lalo na sa usapin ng West Philippine Sea.
“Make the Philippines great again. Do whatever you need to do,” ani Trump.
Samantala, nananatili ang tensyon sa pulitika ng bansa habang patuloy ang bangayan sa pagitan ng kampo nina Marcos at Vice President Sara Duterte.
